069

1.7K 83 2
                                    

ASTRID

Kinabukasan ay masaya akong gumising. Kahit puyat ay hindi ko alam kung bakit parang ang sarap sarap ng tulog ko.

Muli kong naalala ang nangyare kagabi at hiniling na sana ay bangungot lang lahat yun.

Long sleeve naman ang nasa loob ng coat namin kaya hindi ko na naging problema ang pag tago sa braso ko na tinamaan kagabi. In all fairness, kahit mukhang mumurahin ay mukhang effective naman yung cream na bigay ni nerdy dahil medyo humupa na ang pasa sa braso ko at mukhang hindi naman masyadong namaga. Nadala na rin siguro ng gamot.

"Good morning Nay Lorna!"
Masayang bati ko ng maka pasok na sa dining area.

"Aba. Mukhang maganda ang gising ng alaga ko ah. Dahil ba yan sa bis—"

"Wow! Bacon! My favorite!"
Kunwari ay excited na sabi ko para maputol ang gusto sanang sabihin ni Nay Lorna. Ayokong malaman ni kuya na pinuntahan ako ni Nerdy kagabi dahil for sure kung ano ano lang ang itatanong nya hanggang sa malaman na nya ang nangyare kagabi.

"Ikaw talagang bata ka."
Natatawang kumento ni Nay Lorna.

"Well, good morning too, princess."
Sarkastiko namang bati ni kuya.

'Oo nga pala, hindi ko pa sya nabati.'

"Good morning. Hahhaha! Nandyan ka pala?"

"Whatever."

"Oy teka. Bat ang sungit mo? Meron ka? Hahahhaha!"
Pang aasar ko sa kanya kaya mas lalo syang sumimangot.

"Eh bakit ang saya mo?"

"Eh anong pake mo?"

"Eh kase gwapo ako."

"Eh anong pake ko?"

"Kayong dalawa. Tama na yan."
Pagawat samin ni Nay Lorna. Dinilaan ko lang sya at halos hindi na maipinta ang mukha nya sa inis dahil hindi sya nakabawi sakin.

"Kamusta pag rereview mo kagabi?"
Maya maya ay tanong ni Kuya. Seryoso na ulit sya at hindi na nakasimangot.

"Ayos lang. Nakakatuwa kase naintindihan ko na naman."

"Nako. Mukhang makaka perfect ang alaga ko ah."

"Hehehhe. Well, im not expecting that Nay pero for sure hindi ako babagsak."

'Mas okay ng pumasa kahit mababa kesa bumagsak.'

"Mas okay parin na mataas ang makuha mo. Mamaya nyan pasang awa ka lang."

'Tss. Ayan na naman sya. Umaastang si Dad na dapat hanggat maaari, perfect ang makuha.'

Hindi naman sila perfectionist, masyado lang talaga silang strict sa pag aaral. Siguro dahil yun ang batas na pilit na pinapasunod samin ni chairman.

Napasimangot na lang ako at binilisan na lang ang pagkain para makaalis na ko.

"Brent ijo. Wag mo namang ipressure si Landry. Sigurado naman akong ginagawa nya ang best nya."

Nginitian ko naman ng matamis ni Nay Lorna.

'The best talaga si Nay Lorna.'

Sa pamilya kase namin si Mommy at Nanay Lorna talaga ang kakampi ko.

"Alam ko naman po yun Nay. Pero baka lang po kase makamapante na sya sa mga mababang scores na nakukuha nya. Ayoko lang na mapagalitan pa sya ni chairman."

Umirap naman ako sa hangin tyaka inis na sumagot na.

"Dont worry, i will not make that happen."

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon