119

1.8K 86 13
                                    

ASTRID

'Nasan na kaya si Nerdy?'

Panay ang dungaw ko sa entrance ng parking lot lalo na tuwing may lalabas mula dun pero napapabalik lang ako sa pag kakasandal sa tuwing iba ang dumadating at hindi si Nerdy. Kanina ko pa sya gustong tawagan pero hindi ko magawa kase sabi nya hintayin ko na lang daw sya.

'At masunurin ako kaya hihintayin ko lang sya!'

Kinikilig talaga ako dahil unti unti na syang bumabait sakin at nagiging sweet na rin sya.

Kanina kase pag kagising ko ay tinawagan ko agad sya at nakakatuwa kase ang lumanay na ng boses nya kahit na nagising ko sya. Hindi nya ko sinigawan o kahit sinungitan.

'Mukhang may improvement na!! Yiiieehh!'

Kahapon nga hindi ko din inaasahan na sasama sya samin. Kumain kase muna kami sa isang coffee shop at kahit hindi sya nag sasalita masaya ako na sumama sya samin.

Hindi naman ako nahirapang ipaliwanag sa kanila lalo na kay Zay ang tungkol sa nararamdaman ko kay nerdy. Ako pa nga ang nagulat ng sabihin nyang alam nya na, matagal na. Sabi nya isa din daw syang lesbian at madali lang daw sa kanilang malaman o mapansin kung ang isang babae ba ay straight o hindi at gusto lang daw nya na ako mismo ang mag sabi sa kanya dahil ayaw nya kong pangunahan.

'So i wonder kung pano madaling nalaman ni Sari na gusto ko si Nerdy... does it mean, shes a lesbian too?! No way! Wala syang girlfriend! Pero wala din syang boyfriend! Pero pwede namang masyado lang akong obvious diba?!'

Matapos pa naming mag usap ay sinamahan pa ko ni Nerdy pauwi sa bahay at kahit anong pilit ko na yayain sya sa loob ay ayaw nya, magpapahinga pa daw sya kaya naman hinayaan ko na lang.

Feeling ko talaga may progress na yung nararamdaman nya sakin at sana nga mag tuloy tuloy na. Sa ngayon hindi pa nya masagot ang mga tanong nila Sari pero alam kong papunta na din yun doon.

"Ash..."
Mabilis na napalingon ako sa gilid ko at doon nakatayo si Ryker.
"Can we talk?"

'Bakit? Ano namang sasabihin nya sakin?'

"Please? I... i just want to talk to you."

"Ayoko ng gulo Ryk. Mamaya sugurin pa ko ng girlfriend mo."
Mataray na sabi ko.

"Shes not my girlfriend anymore."
Nakangiti pero halatang malungkot na sabi nya.

Kitang kita ang malaking pag babago sa kanya. Medyo lubog ang mata nya at namumula na tila hindi pa sya natutulog ng maayos at parang pumayat din sya.

Hindi ko magawang tagalan ang mga titig nya kaya naman mabilis na binaling ko sa iba ang tingin ko.

"Fine. Ano bang sasabihin mo?"

"Hindi pa ko nag bebreakfast... pwede mo ba kong samahan sa shop sa labas?"
Taas ang isang kilay na tinignan ko sya.
"Gusto lang talaga kitang makausap."

Sa huli ay wala na kong ginawa kundi ang tumayo. Sabay kaming nag lakad palabas ng school papunta sa isang coffee shop na nasa tabi lang mismo ng school namin. Naiilang ako sa mga ngiti at tingin nya at lalo na nang alalayan nya pa ko sa pag upo.

"Anong gusto mo?"
Nakangiting tanong nya ng makaupo na sya sa tapat ko.

"Im good. Sabihin mo na lang kung anong gusto mong sabihin."
Formal na sabi ko at pinag krus sa harap ang dalawang braso.

"Hindi ba pwedeng kumain muna tayo?"
Dala ng awa ay hinayaan ko na lang sya. Umorder lang ako ng isang cappuccino at hinayaan syang kumain kahit na hindi na ako ganun ka komportable.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon