145
*********
KIMORA
"Sa wakas!!!! Grabe! Nakakapagod kumausap ng mga ewan!"
Sigaw ko pero natawa lang ang mga kasama ko.
Alas kuwatro na at kadalasan ganito kami mag sara tuwing biyernes dahil weekend kinabukasan at kapag ganitong araw ay marami talagang costumer!
Bumaba na ako matapos mag linis sa kota sakin pero nanlaki ang mata ko ng makita si Leigh.
"Hoy! Walanjo! Kelan kapa natutong uminom?!"
Sigaw ko sa kanya pero uminom muna sya sa beer na hawak nya tyaka ngumisi sakin.'Pucha! Ano na ba talagang nangyayare sa kanila?!'
"Kaya paba nyang mag maneho?"
Tanong ni Ced na kalalapit lang samin at naupo sa tabi ko, sa tapat ni Leigh."Anong tingin mo sakin? Mahina?"
Sabi ni Leigh habang sinisindihan ang sigarilyong nasa bibig nya."Hoy! Kumag ka! May sakit ka na nga puro bisyo kapa!"
Sigaw ko sa kanya at agad na inalis ang limang beer sa lamesa nya.'Siraulong yun talaga, balak na atang mag pakamatay!'
"Tara na."
Yaya nya ng makabalik ako sa puwesto nila."Hayyyyy... bantayan mo yun, baka mag bigti yun."
Sabi ni Ced na nakatayo sa tabi ko. Pareho kaming nakatanaw kay Leigh na nag lalakad papunta sa staff room para mag palit."Nako! Baka kamo mang bigti! Kilala ko na yan! Mas posible pang mangbigti yan ng iba kesa ibigti ang sarili nya!"
Natawa naman sya sa sinabi ko.Pinunasan ko lang ang lamesang ginamit ni Leigh tyaka sumunod sa kanya at nag palit.
"Ako na mag dadrive!"
Sabi ko ng makalapit ako sa kanya. Nakasandal sya sa motor nya at humihithit na naman ng sigarilyo.Normal na ata samin ang makaisang kaha sa isang araw lalo na kung sobrang stress kami. Pero syempre mas marami syang nauubos na stick dahil mas marami syang stress sa buhay.
"Tama na yung makikisakay ka."
Nakangising sabi niya lang tyaka sumakay na sa motor nya.Binato nya sakin yung helmet nya na agad ko ding nasalo.
"U-umayos ka ha! Putek! Mahal ko pa buhay ko! Hindi ko pa nga sinasagot si Zay eh!"
"Edi sagutin mo na ngayon para wala kang pag sisisihan."
"Gago ka! Ako na ngang mag mamaneho!"
"Tara na."
Nakangising sabi niya lang.Wala na rin akong nagawa at sumakay tyaka paulit ulit na nag dasal.
'Wahhhhh! Hindi pa po ako nakakapag sorry kay Zay, hindi ko pa sya sinasagot, hindi pa ko umaamin please!!!! Wag nyo po kaming kukunin!'
Dahan dahan akong dumilat pero halos tumulo ang laway ko sa pag kakanganga sa gulat.
"Tangna! Umaandar na pala tayo?!"
Gulat na tanong ko.Sa sobbbbrrrraaaaang bagal parang hindi ko naramdaman na umandar na pala kami.
As in sobra talaga! Yung tipong mauunahan pa kami ng normal na lakad sa bagal.
"Putragis naman Leigh! A-ano to?! Eh daig pa natin ang may bitbit na patay eh—"
*BROOOOMMMMMMM*
"Wahhhhhhhh!!!!!"
Mahigpit na yumakap ako sa tyan nya ng bigla nyang pinaharurot ng sobrang bilis ang motor nya.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...