LEIGHTON
"Leigh! Kakain na!"
Rinig kong sigaw mula sa kabilang pinto.Hindi naman na ako sumagot pero hindi parin ako bumabangon. Nakahiga parin ako sa kama ko at konting konti na lang mabubutas ko na sa kakatitig ang kisame.
Normal na sakin ang tinatamad bumangon pero hindi normal sakin na magising ng napakaaga. Kakaiba din dahil parang kahit papano nakakatulog na ko ng maayos.
*RINGGGGGG RINGGGGGG*
Hindi nagbago ang posisyon ko at tanging kamay ko lang ang ginalaw ko para abutin ang phone ko.
"Hi baby!!"
Yan agad ang bumungad sakin."Oh?"
"Wow. Ang ganda ng bati mo ah?!"
Sarkastikong sabi nya at malamang umikot na naman ang mata nya.Ang babaeng to, hindi ko alam pero unti unti ng nawawala ang iritasyon ko sa kanya. Totoong nagugustuhan ko na sya pero hindi parin nawawala sakin ang takot...
Ang takot na baka masaktan ko sya.
Tuwing nakikita ko ang ngiti nya, gumagaan ang pakiramdam ko. Tuwing naririnig ko ang tawa nya, parang masaya na rin ako. At tuwing may ginagawa sya para sakin, pakiramdam ko normal na rin ako.
"Ey! Tulog kapa?"
Rinig kong tanong nya kaya naman hinayaan ko na lang ang nakakalunod na isip ko."Hindi na."
Sabi ko at tyaka bumangon at naupo sa kama."Mabuti naman! Hey baby, susunduin mo ko?"
"Gusto mo ba?"
"Yiiieehh oo naman!"
"Sige."
"Yiiiieeehh!"
"Anong nangyayare sayo?"
Kunot noong tanong ko. Para kase syang ewan."Kinikilig! Syempre kase susunduin mo ko!"
"Tss. Nakakakilig ba yun?"
"Oo naman no! Ibig sabihin nun sabay tayo papasok!"
"Lagi naman tayong sabay pumasok."
Kahit naman kase hindi ko sya sunduin hinihintay nya ko o kaya nag papahintay sya sakin sa parking lot."Oo nga! Pero syempre mas nakakakilig yung susunduin mo ko!"
"Sige. Sabi mo eh."
Pag sangayon ko na lang."Ikaw talaga! Dont tell me ni minsan hindi ka man lang kinilig sakin?!"
"Kailangan ba yun?"
'Required bang makaramdam nun?'
"What?! So wala lang sayo yung mga ginagawa ko?!"
"Sinabi ko bang wala? Ang sabi ko kung kailangan bang kiligin tuwing may ginagawa ka sakin."
"Syempre naman... kase ibig sabihin nun gusto mo din yung mga ginagawa ko sayo."
Mahinang sabi nya at malamang nakanguso na naman syang parang pato."Hindi ako kinikilig pero hindi naman ibig sabihin nun hindi ko na gusto. Masaya ako sa mga ginagawa mo at lahat yun nakatatak sa pusot isip ko. Abo, hindi ako katulad nyo. Marami akong bagay na hindi maintindihan sa inyo at marami akong bagay na hindi nagagawang tulad nyo."
"A-alam ko naman yun... g-galit kaba?"
"Tss. Stupid. Bakit naman ako magagalit sayo?"
"Eh kase baka isipin mo pinipilit kita eh."
'Paranoid na naman sya.'
"Tss. Kung ano ano kaseng iniisip mo. Hindi ako galit okay? Ang magalit sayo ang pinakahuling bagay na magagawa ko."

BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...