095

1.9K 74 2
                                    

ASTRID

Para akong lutang na nanonood lang sa kanya habang nag lalakad palayo. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko. Pakiramdam ko kailangan nyang pumili sa pagitan namin ni Cadence at sobrang sayo ko na ako ang pinili nya.

"A-anong meron sa inyo ni Leigh?"
Nabalik ako sa realidad ng marinig ang tanong na yan ni Cadence. Hindi ko naman sya maintindihan.

"What do you mean?"
Takang tanong ko. Tinignan ko silang lahat at pakiramdam ko biglang napunta sakin ang spotlight dahil lahat sila nakatingin sakin. Ngayon ko lang ding naalalang kasama pa pala namin si Ryker at maging sya ay nag tataka.

"Anong relasyon nyo ni Leigh?!"
Madiing tanong sakin ni Cadence na agad din namang inawat ni kuya.

"Cad, calm down."
Awat sa kanya ni kuya.

"Ano bang sinasabi mo?"
Inis nang tanong ko dahil pakiramdam ko parang bigla nyang nakalimutan ang closeness naming dalawa.

"M-may relasyon ba kayo?"
Nauutal nyang tanong at hindi ko naiwasang mapanganga sa sinabi nya.

"Nababaliw kana ba?! Ano ba namang tanong yan?!"
Inis na talagang sabi ko.

'Pano nya naiisip ang bagay na yan?!'

"Pero bakit ganun syang mag alala sayo?! Tapos... binigyan kapa nya ng jacket."
Papahinang sabi nya na natuon ang tingin sa soot kong jacket. Agad na nag salubong ang kilay ko at pinipilit ko na lang ang sarili kong hindi sya sigawan.

"Tss. Kung nag tataka ka edi bakit hindi sya ang tanungin mo?! Ano bang malay ko sa tinatakbo ng utak ng babaeng yun! Isa pa kung jacket lang pala ang iniintindi mo, sabihin mo lang, ilan ba ang gusto mo?!"

"Hindi ganun yun... hindi mo kase naiintindihan.. hindi sya yung tipo ng taong magkakaroon ng pakielam sa iba. Hindi sya ganun."

"Cadence, stop it. Umuwi na tayo."
Pag singit ni kuya pero pareho namin syang hindi pinansin.

"Hindi ko na problema yun. Hindi ko na problema kung yung pag kakaroon nya ng pakielam sa iba ang isang resulta ng pagbabago nya dahil sa mga ginawa mo."

"Wala kang alam. Wala kang alam kaya hindi mo ko maiintindihan!"

"Cadence, Ash. Tama na!"
Si Kuya.

"Siguro nga wala akong alam pero hindi ako kasing tanga ng akala mo."

"Ash, tama na."
Si Sari pero hindi ko sila pinansin. Pakiramdam ko muling nanumbalik ang sakit na binigay nya sakin.

"Siguro nga maldita ako at sobrang nakakainis. Oo mas matalino ka sakin at mabait pero ni minsan hindi ako naging sakim na tulad mo. Ni minsan hindi ako naging traydor sa buong buhay ko."
Madiing sabi ko at napapahiyang napatungo naman sya.

"Ash, tama na yan."
Si Zay pero wala akong pakielam sa kanila.

"Ni minsan ba naisip mo kung habang hinahalikan mo yung boyfriend ko, ni isang beses sumagi ba dyan sa matalinong utak mo kung anong pwede naming maramdaman?"
Galit na sabi ko pero nanatili syang nakatungo, tahimik na umiiyak at hindi makasagot.

"Ash... please tama na."
Pakiusap ni kuya pero sa oras na to, bingi na ko at ang mga galit lang sa puso ko ang naririnig ko.

"Ni isang beses ba habang sarap na sarap ka sa boyfriend ko, naisip mo ang pwedeng maging epekto ng kababuyan nyo?!"
Hindi ko na napigilang isigaw ang nararamdaman ko.

"Ash—"

"Hindi kita kausap!"
Agad na sigaw ko kay Ryker.
"Itikom mo yang bibig mo bago ko pa makalimutant minsan ka ng naging mahalaga sa buhay ko."
Sabi ko pa tyaka muling bumaling kay kuya.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon