161**********
ASTRID
"Ash.... ash..."
Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. Bahagya pa kong nag unat tyaka kinusot ang mga mata ko.
"Ash!"
"Ano ba?"
Inaantok pang sabi ko na nanatili paring nakahiga."Ash! Si Sari!"
Naluluhang sabi ni Aj kaya naman agad na napabalikwas ako ng bangon."Anong nangyare?!"
"Gising na sya!"
Nanlaki ang mata ko at nung tumango sya ay agad na tumayo ako at ngayon ko lang napagtantong nasa kama na pala ako at hindi sa sopa!
'Nasan si nerdy?!'
'Baka nandun na kay Sari!'
Tuwang tuwang tumingin ako kay Aj at sabay kaming napatakbo palabas.
Wala akong paki sa mga sumisitang mga nurse o doctor o kahit pasyente dahil sa pag takbo ko. Masyado akong masaya para sirain nila!
Pag dating sa kuwarto ni Sari ay naabutan ko sila Kim at Zay.
"She really are hard headed hahahaha."
Rinig kong sabi ni Zay."Mukha nga! Diyos ko! Ngayon hindi lang ako ang may butas sa ulo! Pati ikaw na!"
Si Kim."Y-Yeah... n-nasira tuloy ang maganda kong buhok."
Nang marinig ko ang tila hirap na boses na yun ni Sari ay agad na napaiyak na ko kaya naman madali kong naagaw ang atensyon nila.
"Ash! Sari's awake!"
Masayang sabi ni Zay."Ang drama ni gaga! Hoy! Ano tayo tayo na lang?!"
Si Kim pero inirapan ko lang sya tyaka ako bumaling kay Sari na nakatingin na pala skain ngayon."L-long time no s-see Abo."
Nakangiting sabi ni Sari kaya napatakbo na ko sa kanya at niyakap sya."A-ash be careful!"
Si Zay pero hindi ko sya pinansin."Nakakainis ka! Pinag alala mo kami! Akala ko hindi kana gigising! Akala ko mawawalan na ko ng baliw na kaibigan!"
Humiwalay ako ng yakap sa kanya pero umiiyak parin ako.
"Alam mo ba kung gano kami nag alala?! Alam mo bang halos hindi na matulog sila tita sa pag aalala sayo?! Bakit ngayon ka lang gumising?! Ang tigas tigas nyang ulo mo pano yan nabutas?! Gaga ka talaga! Gusto mong kalbuhin kita! Ano?! Hindi ka man lang sasagot?! Hindi mo naman siguro kami nakalimutan diba?! Sumagot ka nga!""G-geez! K-kung makaiyak ka... para namang mamamatay na ko."
"Nakakaasar ka!"
Inis na sabi ko na pinalo pa sya sa braso kaya naman gulat na pinigilan nila ako."You're really mean. Kagigising nya lang sinasaktan mo na."
Natatawang sabi ni Zay."Iyakin na nga! Sadista pa!"
"Are you okay?"
Nag aalalang tanong ni Aj kay Sari."Y-yeah... ayos lang."
Sabi ni Sari tyaka bumaling sakin.
"Hintayin mo lang na makaipon ako ng lakas... humanda ka talaga sakin.""Then go on! Mag palakas ka hindi yung pahilata hilata ka dyan! Yung mommy mo iyak na ng iyak tapos nananaginip ka lang dyan!"
Biro ko na lang sa kanya habang pinupunasan ang mga luha ko.Sobrang gumaan ang dibdib ko. Yun bang parang may natanggal na mabigat na nakadagan dito kaya lumuwag ang pag hinga ko.
Sobrang saya ko na makitang okay na ulit sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/207478663-288-k232139.jpg)
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...