004

3.3K 101 1
                                    

RYKER

Napahinto ako sa pag pasok sa kotse ko nang matanaw ko yung babaeng napatid kanina, kasama si Amya. Lumapit ako sa kanya nang makaalis si Amya.

"Hi"

Nakangiting bati ko. Walang ekpresyong tumingin sya sakin. Kakaiba talaga sya wala man lang kahit anong ekspresyon sa mukha nya.

"Im Ryker Kayson."

Nilahad ko ang kamay ko sa kanya pero tinignan nya lang ito. Tumango lang sya at agad na nilagpasan ako.

Weird. Dineadma nya ko. Kahit walang tao pakiramdam ko napahiya ako. Hindi man lang sya nag pakilala.

Muli akong naglakad palapit sa kotse ko pero agad na napahinto ng humarurot ang motor sa harap ko. Siraulong yun ah. Balak ba nya kong sagasaan.

Hinabol ko lang ito ng tingin at umiiling na pumasok ng kotse ko.

"Good afternoon sir."
Pagbati sakin ng isang katulong.

"Kumain na po ba kayo? Ipag hahain ko po kayo."

"No thanks. Im good. Sila mommy?"

Tanong ko at nag palinga linga pa.

"Umalis po ang mommy nyo. May emergency meeting daw po. Ang daddy nyo naman umalis din dahil may aasikasuhin daw po."

Tinanguan ko lang siya at umakyat na sa kwarto ko.

Sabagay. Wala ng bago. Lagi naman silang ganito. Mga busy sa trabaho. Nag iisa lang nila akong anak pero kung makapag hanapbuhay sila, parang ang dami nilang pamilya. Hindi na kami masyadong nakakapag usap at nag kikita kahit nasa iisang bahay kami. Lumaki na rin tuloy akong hindi malapit sa kanila, ganun pa man hindi naman ako nag tatanim ng galit sa kanila. Nag aaral din akong mabuti para naman kahit papano maging proud sila.

LEIGH

"Luto na ba yan?"

Tanong ko kay Kim nang makapasok ako sa apartment namin. Sa labas palang kase ay amoy kona ang niluluto nya.

"Oh, ang aga mo ah. Kamusta first day?"

Tanong nya at hininaan ang apoy ng kalan at tumingin sakin.

"Ayos lang"

Walang buhay na sabi ko.

Tumango tango naman sya habang nakatingin sa damit ko.

"Mukha nga. Anyare sa damit mo? Bumili ka ng bago? Eh wala ka namang pera.  May nangyare no?"

Dumeretso akong sala at bumuntong hininga pagkaupo. Hinubad ko ang soot kong salamin at nilapag sa lamesa.

"Wala namang bago. Katulad lang din sa dati nating school"

Sabi ko habang binubuhay ang tv.

"Edi maganda. Hindi na mahirap mag adjust. Bakit kase hindi pa ko sumabay sayo kanina eh. Sayang"

Tila na eexcite naman na sabi nya.

"Tara kain na tayo"

Pinatay kona ang tv at tumayo.

"Mamaya na lang ako. Wala kong ganda. Ang sama ng araw ko."

Hindi naman na sya nag tanong kaya pumasok na ko sa kwarto ko. Masyadong matanong ang babaeng yun kaya for sure kung mag kukwento pa ko sa kanya, malamang babatuhin nya lang ako ng mga tanong.

"Finally bumaba ka din. Tulungan mokong mag ayos. Ang dami nating kalat. Nakaka stress"

Tinignan ko ang buong bahay at tama nga sya. Medyo magulo sa dami ng mga gamit na naka tambak kung saan.

"Pwede bang sa weekend na lang? May pasok pa tayo bukas"

Sagot ko habang kumukuha ng tubig sa ref.

"Sabagay. Sige. Basta sa weekend ha. Upak ka sakin pag hindi moko tinulungan"

"Oo na."

Kumain lang ako and as usual hindi nawala ang maingay na bibig ni Kim. Kung ano ano lang kinuwento nya at mga tanong nya tapos umakyat na rin kami sa mga kwarto namin. Ilang oras din akong nakatitig sa kisame at hindi mawala sa isip ko ang mga nangyare kanina.

Tss. Sino ba sya sa akala nya? Porket anak at apo ng may-ari ng school ganun na umasta. Ni hindi ko nga sya kilala at sigurado akong ngayon ko lang sya nakita kaya hindi ako makaisip ng magandang dahilan para gawin nya sakin yun.

Pasalamat sya at mahina lang ang pagkakatulak ko sa kanya sa pader dahil kung hindi baka na confine na yun. Mukha pa namang mahina.

Bully ha?

Well galingan nya sa pambubully sakin. Dapat yung mag eenjoy ako.




❤️JeyEmMen❤️

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon