LEIGHTON
"Thank you!"
Masayang sabi ni Abo ng tanggalin ko sa kanya ang helmet ko at inayos ang buhok nya.
"Hindi kaba muna mag papakita kay mom?""Hindi na."
Sabi ko na lang pero ngumuso sya."Uuwi kana agad? Puwede ka namang dito muna eh."
"Ano namang gagawin ko dyan?"
Umasta naman sya na parang nag iisip."Alam kona! Dito kana mag dinner!"
"Walang kasabay si Kim."
"Eh diba nandun naman si Krimo?"
"Sige na. Pumasok kana."
Sabi ko na lang kaya sinimangutan nya ko. Tatalikod na sana sya sakin pero biglang bumukas ang gate."Hello there mga babies!"
Masayang bati ng mommy nya samin at pareho kaming niyakap.
"Sakto ang dating nyo, nagpeprepare na kami for dinner."
Masayang sabi nya ng humiwalay na samin."Psh. Mom. Hindi daw sya kakain dito."
Nag tatampong sabi ni Abo kaya naman nawala ang ngiti kay Mrs. Bryleighn."Ill stay."
Biglang sabi ko na kinalingon ni Abo."Akala ko ba walang kasabay si Kim?!"
Masungit na tanong ng katabi ko pero nag kibit balikat na lang ako."Oh sya! Tara na sa loob! Yiiiieehhh! Im happy youre here!"
Masayang sabi ng mom nya pero hindi na lang ako kumibo."Mom, wheres kuya?"
"Nako... nandoon na naman kila Cadence. Alam mo naman ang kuya mo."
Hindi naman ako apektado sa sinabi nya pero hindi nakatakas sakin ang kakaibang tingin ni Abo.
"Honey, mabuti pa dun muna kayo sa kuwarto mo ha. Mabilis din to, tatawagin ko na lang kayo."
"Sige po."
Tumango na lang ako sa mommy nya ng bumaling ito sakin.
Tahimik kaming dalawa na pumunta sa kuwarto nya at agad na umupo ako sa sopa.
"Dito ka muna... mag papalit lang ako."
Tumango lang ako sa kanya pero hindi ko maiwasang mag taka sa pagiging seryoso nya.'Tss. Nabanggit lang si Cadence, ganito na sya.'
Ilang sigundo lang akong tumitig sa kisame bago naisipang kunin ang gitara nya. Sa una ay nilalaro laro ko lang ang tunog at hanggang bumukas ang pinto at lumabas si Abo ay nanatili lang akong abala sa pagtipa ng gitara.
Sa lahat ng instrumento, gitara ang pinaka paborito ko. Siguro dahil ito lang din ang kaya kong tugtugin pero maliban dun, ito din kase ang tila nag paparamdam sakin na katulad din ako ng iba.
Ibat ibang gitara, pero iisang instrumento... ibat ibang panahon pero iisang pag kakataon... ibat ibang tao pero iisa ang pakiramdam..
'Masaya.'
Nung 5 years old ako... nung time na minulat ako ni Celeste sa masaklap na mundong meron ako, nawalan na ko ng sigla. Nabura ang saya sa puso ko dahil lahat ng galaw ko limitado. Sa pag tuntong ko sa ika anim na taon, nilunod na ko sa pag aaral ng halos lahat ng bagay. Martial arts, languages and even etiquettes. Ni minsan hindi ko naranasang makapag laro sa playground, sa park o kahit sa mismong bahay namin. Lahat kami ay abala sa pagiging perpekto para maging tunay na Kellen. Sa kabilang banda, hindi ako nakakalimutan ni Nixon. Sya ang tumayong magulang ko sa lahat ng pag kakataon. Sya ang palaging nag aalaga sakin dahil halos kami lang din ang natitira sa bahay. 8 years old lang sya nun at kahit hanggang ngayon, hindi ko inaasahang nagawa nya kong alagaan kahit na sa pinaka mahirap na sitwasyon.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...