LEIGH
"Problema mo?"
Hindi ko maiwasang magtanong dahil bigla na lang umiyak si Kim.
"Kung hindi ka kase nag paiwan don, hindi ka sana nag kaganito!"
"Wag ka ngang umiyak. Hindi moko dapat iyakan."
"Leigh."
Nilingon ko naman si Nixon.
"For once, sumeryoso ka naman."Napangisi ako sa sinabi nya.
"Kelan ba ko nag biro?"
Narinig ko ang pag buntong hininga nya. Umiwas na lang ako ng tingin sa kanila at tinangkang tanggalin ang karayom na nakatusok sa kamay ko.
"Leigh! Ano ba!"
Napahinto ako ng sabay silang sumigaw."Pwede bang kahit ngayon lang, kahit ngayon lang hayaan mo muna kaming —"
"Kimora. Ayos lang ako—"
"Hindi! Hindi ka ayos! At hindi ka magiging maayos kung lagi kang ganyan! Please naman oh!"
"Tss."
Pabagsak na humiga na lang ako sa kama dahilan para mapangiwi ako sa kaunting sakit. Tumitig na lang ako sa kisame dahil ayokong makita ang mga mukha nila. Mga mukhang nag aalala.
"Bakit hindi mo sinabi sakin na ganito pala ang nangyayare sayo sa school?! Kakausapin ko ang Dean nyo bukas—"
"Wag ka ng mangealam."
Malamig kong sabi ng hindi siya nililingon."No! I—"
"Nixon. Please. Problema ko to kaya wag ka ng makealam."
"Pero Leigh—"
"Wag kang mag aalala. Hindi mo na ulit ako makikitang ganito. Hindi ko na sila pagbibigyan."
Napangisi ako sa naisip ko.
'Tama na ang isa. Dapat nga sinulit na nila eh.'
"Please, ayoko nang mauulit pa to. Understood?!"
"Oo nga. Hindi na sila makakaulit. Hindi ko na sila sasantuhin—"
"Understood?!"
Pag didiin nya."Hmm."
Sabi ko na lang.
'Ibig sabihin, ayaw nyang may gawin din ako. Asar!'
Ganyan yang si Nixon. Kahit kampi sya sakin, ayaw nyang gagawa ako ng kahit na ano sa kalaban ko dahil ayaw daw nyang mas mapahamak pa ko.
'Tss. Corny!'
Napalingon ako kay Kim nang marinig ko na namang humagulgol sya ng iyak.
"Mga tangna nila! Ano bang ginawa natin sa kanila para ganituhin nila tayo?! Paano kung napahamak ka?!"
"Tumigil kana. Okay lang ako—"
"Isa kapa! Tangna mo rin eh no!"
"Kim.."
Si Nixon na gulat din sa sinabi ni Kim.'Gago to. Minura pa ko!'
"Parati ka na lang okay ako kahit hindi naman talaga! Pwede mo namang aminin samin yung totoo eh!"
"Tss. Palabasin mo na nga yan."
Sabi ko kay Nixon."Nakakainis kana alam mo ba yun?! Nakakainis ka kase pakiramdam ko pinapabayaan mo na yang sarili mo! Hindi ko na alam kung anong gagawin ko para sayo! Nakakainis kase mas natatakot ako ngayon dyan sa pagiging kalmado mo! Wala naman akong takot nung una kase hindi naman natin ikakamatay ang mga parinig at mga pangaasar nila pero yang ginawa nila sayo?! Gaguhan na talaga eh! Kahit nga sabihin nilang basura ako, tayo?! Ayos lang kase ano bang malay nila sa laman ng bangko ko?! Ni hindi naman nila alam kung sino talaga ako! Pero natatakot na ko dahil umabot na sa pisikalan! Natatakot lang naman ako sa mga pwedeng mangyare sayo, Leigh! Kaibigan mo ko kaya may karapatan naman siguro akong mag alala?!"
![](https://img.wattpad.com/cover/207478663-288-k232139.jpg)
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...