ASTRID
Ilang oras na rin kaming sumayaw ni Ryker at talagang nag eenjoy ako.
Nakakailang sayaw na kami ni Ryker pero parang hindi ako makaramdam ng inip at pagod. Sobrang saya lang talaga sa feeling.
Ilang beses na ring sumayaw sila Nerdy at hindi ko maitatangging nag eenjoy ako tuwing pinapanood ko sila.
I hate to admit it, pero totoong magagaling sila at talagang nakakahanga ang bawat galaw nila. Siguro dahil bihira lang akong makakita ng babaeng parang lalaki din kung sumayaw. Yun bang hindi puro malaswa ang mga galaw kaya ganun na lang siguro ako kung humanga sa kanya.
Ilang kanta na ang lumipas pero hanggang ngayon, mukhang wala paring nasasayaw si Zay. Masyado pa siguro syang apektado sa nangyare sa kanila ni Nayi.
"Huy! Hindi kaba sasayaw?!" Si Sari.
"Wala namang magandang isayaw eh."
"Wow! So para sayo, ang panget naming lahat dito?"
"Oo! Lalo kana!"
"Ang harsh mo!" Nakangusong sabi ni Sari.
"Ang daming girls dun oh. Kanina pa nag tatanong tungkol sayo. Bakit hindi ka sumayaw?" Tanong ko sa kanya.
"Oo nga."
"Nah. Ayoko silang isayaw. Nakakatamad. Kakain na lang ako."
"Why dont you try to dance with Sari?"
"Ha! Ang swerte naman nyan at sya pa ang first dance ko!"
Pang aasar ni Zay."Wow! Just wow, Zay. Feeling mo naman sobrang laking bagay nun sakin?"
"Sige na. Sumayaw na kayong dalawa."
"Haist. Tara na nga Sar."
"Parang pilit na pilit kapa ah."
Natawa na lang ako sa dalawa. Tumayo na sila at pumunta sila sa dance floor.
Medyo naging light lang ang lightnings at ang tahimik ng crowd. Dala siguro ng atmosphere na bigay ng bandang tumutugtog sa harap.
MUSIC PLAYED: Perfect
ARTIST: Ed SheeranPinanood ko lang silang sumayaw habang kumakain.
"Ash, lalabas lang ako."
Si Ryker.Napaangat naman ang tingin ko nang tumayo sya.
"S-san ka pupunta?"
"Mag papahangin lang. Haha masyadong mainit dito."
"H-ha? May aircon ah"
"Saglit lang ako."
Nakangiting sabi nya."O-oh, sige."
Sinundan ko na lang sya nang tingin palabas ng gym.
Nice. Naiwan na kong mag isa.
Tinuon ko na lang ang pansin ko sa mga sumasayaw. Nilibot ko lang ang paningin ko hanggang mapansin ko sa di kalayuan si Nerdy. Ang lapit ng table namin. Halos katabi na nga eh.
'Tsk. Kainis!'
Nanatili akong nakatingin sa kanya at pasubo na ng pagkain ng bigla syang lumingon at tumingin sakin.
Napaayos naman ako ng upo at nag iwas ng tingin.
"Tsk! Magaling ngang sumayaw, hindi naman masayaw sa dance floor. Nonsense."
"Pwede naman ah!"
Nanlaki ang mata ko at paglingon ko.. si Jay, yung baklang kaibigan nya nakatayo sa gilid ko.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...