127

2.1K 107 26
                                    

ASTRID

Dalawang linggo na lang at matatapos na ang July at sobrang saya ko, hindi dahil sa malapit na ang birthday ko kundi dahil sa unti unting pag babago ng trato sakin ni Nerdy. Madalas na syang sweet at gumagawa ng effort para sakin. Sa mga nakalipas na araw parang walang nangyare, parang masaya lang ang lahat at walang problema. Hindi na rin namin napapagusapan ang tungkol sa pamilya nya at maging sa mga salitang binitawan nya. Napapansin ko na din ang pagiging malapit nya sa iba lalo na sa mga kaibigan nya. Hindi parin sya ganun ka talkative pero makikita mong mas may paki na sya ngayon hindi tulad noon. Hindi na rin nya binabara ang nag sasabing kaibigan nya sila Kim pero tahimik lang din sya.

Pero sa mga nag daang araw... mas lalong lumalaki ang takot at kaba ko. Para kaseng lalong nagiging seryoso ang pananakot na ginagawa sakin. Halos araw araw akong nakakatanggap ng letter at palaging pinapaalala na palagi akong mag ingat sa lahat ng oras, na huwag ko daw hayaang malinlang ako ng mga mata ko, na palagi daw akong maging gising sa pangalawang pag katao, na dapat daw ihanda ko ang sarili ko.

Natatakot ako pero pinilit kong itago sa lahat ang mga letter na yun dahil ayokong mag isip ng masama.

Wala akong ideya kung sino ang pwedeng mag padala sakin ng mga sulat na yun maliban kila Drummer at Aira na hanggang ngayon ay tahimik parin. Hindi ko na sila masyadong nakikita at hindi ko alam kung maganda bang senyales ang pagiging tahimik nila dahil pakiramdam ko may pinaplano silang hindi maganda.

"Wala kang sundo? Himala?!"
Tanong ni Jay ng makarating kami sa parking lot at nakita nilang dala ko ang kotse ko. Halos araw araw na kase akong hinahatid sundo ni Nerdy.

"Boblaks lang?!"
Singit ni Kim.
"Alam mo ng absent eh! Edi ibig sabihin wala!"

Tama. Hindi sya pumasok ngayong araw at hindi ko rin talaga alam ang dahilan. Gusto ko mang alamin, pero ayoko namang isipin nya na pinang hihimasukan ko na ang buhay nya.

"Gaga! Malay mo pumunta lang dito para sunduin sya!"

"Nako! Imposible yun! Meeting yun ng mga Kellen at hindi yun basta basta pwedeng umalis! Pustahan tayo, bukas pa dating nun eh!"
Napatingin naman ako kay Kim dahil sa mga sinabi nya.

'May meeting sila?! Ano namang klaseng meeting?! Talagang hindi man lang sya nag sabi! At bakit bukas pa sya babalik?!'

"Hoy, Abobot!"
Tawag sakin ni Kim na ikinatawa nila, maliban kay Amya at Aj na kanina pa tahimik.
"Wag kang mag drama dyan! Family meeting yun kaya talagang kailangan silang lahat dun! Wag kang mag aalala! Hindi naman sya babalatan ng buhay dun no!"

"Alam ko no!"
Sabi ko na lang tyaka bumaling kay Aj.

'Ano namang drama nito?!'

"Hoy, bakla!"
Tawag ko na sa kanya.

"Makabakla ah! Ano ba yun?!"
Reklamo nya.

"Problema mo?!"

"Hahahah! Nako! Pupusta ko baga nitong si Jayviong bakla! Dahil yan kay Sariyah! Hahahha!"
Natawa ako sa sinabi ni Kim lalo na ng batukan sya ni Jay.

"Gaga ka! Talagang ikaw pa nakinabang sa baga ko!"

"Bakit naman kelangang may batok pa?! Putek! Pag nabawasan lang talino ko, humanda ka! Anong tinatawa tawa mo dyan?!"
Inis na sigaw nya kay Zay.

"Ang cute mo kase."
Sabi nya na pinisil pa ang ilong ni Kim. Natawa naman kaming lahat ng mamula ang pisngi nya at inis na tinabig ang kamay ni Zay.

"Ewan ko sayo!"
Sigaw nya dito tyaka bumaling samin.
"Nasan nga ba si Sari?"

"Ay! Ang bakla, segway sa kilig?!"
Pang aasar sa kanya ni Jay.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon