090

1.6K 73 0
                                    

ASTRID

"Heres your order maam. If you need anything just press the button behind the table Maam."
Nakangiting sabi ng waitress.

"Thanks."

Tumango lang sya at tyaka umalis na. Hindi ko na hinintay pang dumating sila Sari at nag salin na ng alak sa glass shot ko. Nakangiting inikot ikot ko muna ito sa baso at tyaka deretsong ininom lahat ng laman. Napapikit na lang ako sa sobrang tapang ng alak. Gumuguhit sa lalamunan ang lasa pero wala akong pakialam. Muli akong nag salin at iinumin na sana ng may maalala. Pinindot ko ang nasa ilalim ng mesa ko at maya mya ay bumukas na nga ang pinto pero nagulat ako ng makita yung bakla kanina.

'Sya nga pala ang may ari nung resto ang obvious naman sa name nito na sa kanya din tong bar na to.'

"Yes mam? You need anything?"
Nakangiting tanong nya. Inabot ko ang card ko sa kanya.

"Mag babayad na ko. Baka hindi ko na mabayaran kapag nalasing ako."

"O-okay mam. Pero hindi bat minor pa lang kayo? Bawal po kase ang—"

"Isa akong Bryleighn. Kung hindi mo  pwes gusto kong ipaalam sayo na pwedeng pwede kong ipasara ang bar na to."
Pananakot ko pero hindi man lang nag bago ang reaskyon nya.

"Pero mam hindi po kayo pwedeng uminom. Pwede kayong mag stay but—"

"Just... please.. kailangan kong uminom. Dadating naman ang mga kaibigan ko at sila na ang bahala sakin."
Narinig ko ang pag buntong hininga nya.

"Okay mam. Babalikan ko na lang po kayo."

Hindi na ko sumagot at muling ininom ang laman ng baso ko. Maya maya nga lang ay bumalik sya at nag papirma para sa payment ko at isang agreement na hindi ko na binasa.. Nakakailang shot na ko ng bumukas ang pinto at napangiti ako ng malaki ng pumasok sila Sari at Zay na parehong tila nag aalala ang mga mukhang nakatingin sakin.

"Guys!!! Your late!"
Nakangiting sabi ko. Tinignan nila ko at tyaka tumingin sa bote ng alak na nasa mesa ko.
"Thanks for accompanying them."
Sabi ko sa waitress na kasama nila. Ngumiti lang ito at tyaka sinarado ang pinto.
"Guys!! Bakit nakatayo lang kayo! Sit down!!"

Nagtinginan muna sila at tyaka umupo sa magkabilang gilid ko. Malawak ang room na ito at kasya ang ilang grupo. Nasa dulo ako katapat ng pinto.

"Here!! Lets have a toast!!"
Sabi ko na itinaas pa ang baso ko. Pero hindi sila kumilos.
"Come on guys!! Ang kj nyo naman!!"

"Ash, your drunk."
Seryosong sabi ni Sari.

"No im not! Nakaka kalahati pa nga lang ako eh. Mataas ang tolerance ko sa alcohol no?!"
Sabi ko at straight na ininom ang laman ng baso ko. Napapikit ako sa tapang nun at muling bumaling sa kanila.
"Ano ba? Bakit ba ang tahimik nyo?"
Palitan ko pang sinilip ang mga mukha nila.
"Ano ba yan! Sana hindi na lang kayo pumunta kung ganyan lang naman pala kayo."
Kunwari ay nag tatampong sabi ko tyaka muling nag salin ng alak.

"W-we heard everything..."
Nakatungong sabi ni Zay. Bahagya pa kong napahinto sa pag salin ng alak pero tinuloy ko din agad.

"Really? Ano namang everything ang narinig nyo?"
Nakangiti kong tanong na sinasalinan na ng alak ang baso nila pareho.

"Pinuntahan ni kuya Brent si Ryker kanina."
Pagkukuwento ni Sari kaya muli akong nahinto sa pag salin sa huling baso.
"And Ryker told everything to kuya Brent. Nag kasakitan sila kaya doon muna kami dumeretso."

"Really?! Hahahah! I wonder if Ryker is okay!"
Tumatawang sabi ko.

'For sure binugbog na yun ni kuya.'

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon