080

1.8K 79 2
                                    

ASTRID

Kinabukasan ay late na ko nagising dahil sa sandamakmak na tanong na hindi na mawala wala at maubos ubos sa isip ko.

Matapos maligo ay bumaba na rin naman agad ako para mag breakfast. Naabutan ko na si Nay Lorna at kuya na nasa Dining area.

"Good morning po."
Magalang na bati ko sa kanila.

"Good morning din sayo hija. Late ka na ata?"

"Wala po muna kaming practice dahil..."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko at napatingin na lang kay kuya. Kagabi pa sya tahimik at walang kibo. Napaka seryoso din nya at parang malalim ang inisip.
"Good morning kuya."
Pag iiba ko ng usapan. Pinilit ko na maging masigla parin ang pag bati ko sa kanya.

"Good morning."
Sagot nya ng hindi man lang ako tinitignan.

'Mukhang wala sya sa mood... tatanungin ko ba sya? Wala naman sigurong masama diba? I mean tanong lang naman. Hindi naman siguro sya magagalit.'

"Ahm... kuya.."

"Oh?"

"M-may... may tanong lang sana ako.. ehehhe."

"Ano?"

"Ahm.. y-yung kagabi.."
Napahinto si kuya sa pag subo.
"Ahm, kase... n-nagtataka lang ako. Well hindi lang naman ako. Halos lahat ng taong nandun talagang nagulat."
Nag angat sya ng tingin sakin na parang hinihintay ang gusto kong sabihin.
"I j-just want to ask if you knew something. Bakit naging ganun yung reaksyon nila? Hindi lang si Cadence at ang parents nya. Halos lahat ng kamag anak nya! M-mag kaano ano ba sila?"

"Hindi ko alam."
Seryoso nyang sagot at muling tumuloy sa pag kain.

"H-ha? Eh diba girlfriend mo si Cadence so for sure naman may nakukuwento sya sayo? Para kaseng hindi lang sila b-basta mag kakilala. Nag yakapan pa sila—"

Nahinto ako ng biglang bitawan ni kuya ang kubyertos nya dahilan para gumawa yun ng ingay.

"Hindi ko alam. Bakit ba ang dami mong tanong?!"
Parang inis ng sabi nya.

'Ang dami?!! Isa nga lang eh!!'

"B-bakit ka nagagalit? G-gusto ko lang namang—"
Bigla syang tumayo.

"Nay, pasok na ho ako."

"O-osige.. mag iingat ka hijo."
Parang gulat pang sabi ni Nay Lorna.

Napanguso na lang ako sa inis habang sinusundan sya ng tingin palabas ng dining area.

"Tinatanong lang naman! Nagagalit na agad!"
Inis na bulong ko at kumagat ng hotdog.

"Pagpasensyahan mo na lang ang kuya mo."
Si Nay Lorna.
"Kanina pa yun wala sa mood. Dala siguro ng pagod at puyat kaya ganun."

"Tsk! Eh Nay tinatanong ko lang naman sya eh! Tyaka wala naman pong masama sa tanong ko diba?"

"Anak, hayaan mo na muna yung kuya mo. May pinag dadaanan lang yung kuya mo."

Hindi na lang ako sumagot at tumuloy na sa pagkain. Matapos mag sipilyo at mag palit ng damit ay hinatid na ko ni Mang Kanor sa school. Pag pasok ko pa lang usap usapan na ang nangyare kagabi.

"Grabe no? Kilala pala ng mga Kensington yung gangster sa grade 9?"

"Oo nga! Grabe! Usap usapan sila ngayon!

"Tingin mo mag best friend sila?"

"OMG! Baka magkapatid sila?!"

"Baliw! Walang kapatid si Cadence!"

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon