ASTRID
'Good morning sunshine!!!'
Sobrang saya ko talaga ngayon, well hindi ganun kasaya pero masaya parin dahil feeling ko unti unti ko na talagang napapaibig si Nerdy sakin. Nag open up na sya at narinig ko pa yung mga sinabi nya kagabi.
'Sana nga ako na lang minahal mo.'
Pero i know mamahalin nya din ako at yun ang main goal ko hanggang sa nabubuhay ako.
Dahan dahan ko munang inapak ang paa ko at nawala wala na nga ang pamamaga nito though medyo masakit parin pero hindi na ganun kasakit.
'Ang galing kase ng doctor ko eh.'
"Gising na kaya sya?"
Nag kibit balikat na lang ako sa sarili kong tanong at pumasok na sa CR. Pakanta kanta pa ko habang naliligo at hanggang sa makapag bihis na ko. Habang pinapatuyo ko ang buhok ko ay napatingin ako sa phone ko.
'Hindi ko pa pala natatawagan si nerdy. Nakita na nya kaya yung pangalang nilagay ko?'
Dahil baliw na ko ay heto at dinial ko na nga ang number nya. Ilang ring pa bago nya to sinagot.
"You are my sunshine.. my only sunshine.. you ma—"
*TOOT TOOT TOOT*
'Pinatay nya?!'
Feel na feel ko pa naman ang pag kanta ko tapos papatayin nya lang. Nakangusong dinial ko ulit ang number nya.
"Bakit mo pinatay?!"
Inis na sigaw ko."Aish! Sino kaba?! Gusto mong ikaw ang patayin ko?!"
Galit na sabi nya at base sa boses nya ay mukhang kakagising nya lang.'Oh no! Tulog pa pala sya!'
"Hala sorry! Akala ko gising kan—"
*TOOT TOOT TOOT*
'Aish! Bakit nya ba pinapatay?!'
"Bakit mo ba pinapatay?! Hindi pa ko tapos mag salita eh!"
Inis na sigaw ko ulit ng sagutin na nya."Sino kaba?!"
'Pambihira talaga to!'
"Duh! Its me, your baby!"
"Gusto mong burahin kita sa mundo?"
"Ano ba! Si Ash to! Kahit kailan ka talaga!"
*TOOT TOOT TOOT*
'Huhuhu! Pinatay na naman nya!'
Hindi ko na sya ulit tinawagan dahil baka napuyat lang talaga sya.
'Tama! Ang mean mo Ash! Malamang puyat sya kase binantayan ka nya!'
Kailangan kong mag sorry mamaya. Ayokong umuwi kami ng mag kaaway.
Matapos mag ayos ay bumaba na ko at nakita ko naman agad sila Nixon at Kim, si Claude naman ay heto tumatakbo palapit sakin.
"Gracias."
Masayang sabi ko sa kanya ng alalayan nya ko s pag upo."Hows your feet?"
Seryosong tanong ni Nixon at hindi ko maiwasang mailang dahil sa ginawa nya kagabi."A-ayos na... m-medyo nawala na ang pamamaga."
"Thats good. But still ipa check up mo parin."
"M-mm. S-salamat."
"Hermana, lets eat."
Masayang yaya ni Claude na nakangiting tinanguan ko na lang."Were leaving by 10:30 so you still have time to enjoy your last hours here in island. Well, except for you Astrid."
Kaswal lang na sabi ni Nixon.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...