ASTRID
'Bakit ganun? Bakit ang ingay? Ano ba yung beep ng beep? Umaga na ba? Papasok na ba ko? Wait, hindi naman ganun yung alarm tone ko ah?'
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko.
'Where the hell am i?!'
Puro puti ang nakikita ko at sa pag kakatanda ko hindi puti ang kisame ng kwarto ko. Iaangat ko sana ang ulo ko pero bigla itong sumakit kaya dahan dahan na lang akong tumingin sa dalawang gilid ng kama ko.
Sa kaliwa ko ay may lamesa na may nakapatong na prutas at tubig. Napatingin ako sa bintana at mukhang pagabi palang. Sa kanan ko naman ay may isang gwapong lalaki ang nakahiga sa sopa na hindi kalayuan sakin.
'Ryker..'
Napangiti naman ako. Kahit sa pagtulog ang gwapo nya talaga.
Babangon sana ako para lapitan sya pero agad akong napahawak sa tiyan ko at muling dahan dahang nahiga ng sumakit ito. Napangiwi din ako ng maging sa mukha ko ay may naramdaman akong hapdi.
Now i remember.
Kahit hinang hina na ko, alam kong si Nerdy ang nakita ko. Maging ang mga salita nya, hindi ko akalaing maririnig ko sa isang tulad nya.
"Alam nyo bang ayoko sa lahat ay yung masira ang mahalagang tako kong to? Pero gusto kong subukan kung gano to katibay."
"Nakapag baseball na ko isang beses pero gusto kong itry ulit, pero ngayon tako ang gagamitin kong bat at ulo nyo ang bola. Oh diba, astig."
Ang mga salita nya... mga salitang hindi ko alam na mag papawala ng takot ko. Hindi ko rin inaasahan na isang tulad pa nya manggagaling ang mga salitang mag paparamdam sakin na ligtas ako.
That time i was so scared to the point na kahit alam kong pwede akong masaktan, lumaban parin ako kase mas natakot ako sa pwedeng mangyare kay Sari. Siguro nga madalas kaming nag tatalo, madalas kaming nag aasaran but shes my best friend. Para ko na siyang kapatid, sila ni Sari kaya nung hawakan sya ng isa dun sa apat, kinain na ko ng kaba at takot na baka mapahamak sya.
Hindi ko alam kung bakit nila ginawa yun samin, i mean, they can get all they want like money, phone even our car pero bakit kailangan pa nila kaming saktan? Okay lang sana kung ako lang ang saktan nila pero pati si Sari dinamay nila. Ganun na ba talaga ka gipit ang mga tao?!
Maybe im a bitch, a warfreak, a stubber trouble maker but im still a girl and what can i do against four men? Sa lakas pa lang ng katawan dehado na ko. Marunong akong lumaban pero hindi yun sapat para labanan ang mga tulad nila.
Mabibigat ang bawat suntok at sampal nila. Sobra silang nakakatakot dahil parang wala silang sinasanto sa mga asta nila kaya nga ganun na lang ang pag tataka ko sa naging reaksyon nila pagdating kay Nerdy.
Ganun ba talaga sya kayabang para harapin ang mga lalaking yun? Isa lang din syang babae kaya anong laban nya sa kanila? Hindi ba talaga sya nag iisip?! Pano kung napahamak sya dun? Edi reponsibility ko pa sya?!
"Ash? Ash!"
Si Kuya Brent.Mabilis syang lumapit sakin at chineck pa ko.
Sa sobrang pag iisip, hindi ko man lang namalayang pumasok na pala sya.
"Okay ka lang ba? How are you feeling?"
Punong puno ng pag aalala ang mga mata nya kaya hindi ko naiwasang mapangiti.
"Ash! Thanks God, finally your awake!"
Si Ryker na lumapit din sakin at hinawakan ang kaliwa kong kamay.Nasa mag kabilang gilid ko sila at halatang puno ng pag aalala ang mga mukha nila.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...