LEIGH
"Talaga bang sinabi mo kela dean ang alam mo?!"
Mahinang giit nya at bahagyang tumingin pa sa mga kasama namin na nauuna samin sa pag lalakad.'Sabi ko na nakulangan pa yan sa kuwento eh. Tss.'
Kahapon, matapos kase naming magusap nila Dean at Astrid ay pinutakte na ko ng tanong ni Kim kaya wala akong choice kundi mag kuwento sa kanya pero syempre hindi lahat sinabi ko kung ano lang ang kaya ng kasipagan kong mag salita, yun lang yun.
"Hmm."
"Sinabi mo na ba kay Nixon?!"
Bulong nya pa rin sakin."Bakit ko naman sasabihin sa kanya?"
"Ano kaba! Syempre matutuwa yun kase nagawa mo ng humingi ng tulong kela Dean kahit alam kong kaya mo naman."
"Tss. Hindi ako humingi ng tulong."
"Okay sabi mo eh. Pero ano namang nag pabago sa isip mo? Hindi naman sa ayaw ko, mas gusto ko nga to eh at least kahit konti, unti unti ka ng bumabalik sa dati."
Ganun na ba ang nangyayare sakin? Unti unti na ba talaga akong bumabalik sa dati?
Kahit ako hindi ko sigurado kung bakit mas pinili kong sabihin kay Dean ang lahat samantalang kayang kaya ko namang tapusin ang gulong to.
Pumasok na kami ng canteen at muli ko na namang naramdaman ang mga matang naka tingin sakin. Ngayon ko na lang ulit naramdaman ang kakaibang mga tingin na to. Mukhang nagawa na nilang mag pakita sakin ah.
Napansin ko ang bungisngisan ng tatlong lalaki pero hindi ako nag pahalata.
"Crush!!"
'Here he goes again!'
May lalaking patakbong lumapit samin at nakangiti syang tumingin sakin.
"Woah! Hahahaha! Ang aga mong manligaw bata! Hahahaha!"
Si Kim na umakbay pa sa kanya.Nag simula na naman ang bulungan pero hindi ko na sila pinansin at nag tuloy na sa table namin.
"Grabe bakla, ganda mo na talaga ah! Hahahaha!"
Si Aj nang makaupo na rin sila."Ganda gandahan! Hahahahhaah!"
Si Jay."Hoy! Grabe kayo! Maganda naman talaga si Leigh, dati pa!"
Si Amya tyaka nakangiting nilingon ako kaya napangiti na lang din ako sa kanya."Hehehe. Pwede ba kong sumabay sa inyong mag lunch?"
Nahihiya nyang tanong."Sure! Hayaan mo yan si Leigh! Hahahaha! Kunwari deadma lang yan pero deep inside, kinikilig na ang pwet nyan!"
"Hahahahahha!"
Tawanan nila.Naupo sya sa tapat ko at halos ilabas na nya ang bagang nya sa sobrang pag ngiti.
Mukha naman syang normal na estudyante lang pero hindi ko parin maiwasang mag taka sa bigla nyang pag sulpot matapos nung insidenteng nangyare kay Astrid.
"Mga bakla, order na kami. Treat ko."
Si Jay."Ay wow! Bongga! Mayaman ngayon si Bakla!"
Si Kim."Gaga! Mayaman talaga ako! Mas mayaman lang kapag pumapasa sa quiz! Hahahaha! So ano nga? What do you want?"
"Ikaw na bahala. Libre mo eh!"
Si Aj."Hala. Nakakahiya naman, ako na lang oorder ng sakin."
Sabi ni totoy na nasa harap ko."Wag ka ng mahiya. Wala namang hiya yang manlilibre sayo eh!"
Si Aj.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...