020

2.8K 73 9
                                    


LEIGH

"Oh my god. Finally nakabalik na ko ulit"

Naeexcite na sabi ni Kim. Hindi ko sya pinansin at nag tuloy na sa pag pasok sa loob ng ShareHauz.

"Waaahhhh bakla!"

Tili ni Kim at patakbo pang lumapit kay Ced at nag yakapan naman sila na parang mga timang.

"Oh my. Akala ko niloloko mo lang ako eh."

Madramang rinig kong sabi ni Ced.

"Ano kaba bakla. Hindi naman ako sinungaling no."

"Eh buti naman at pinayagan ka nyang kasama mo"

"Nako. Mahabang kwento buti ngat napa payag ko eh. Pero infairness bakla, parang mas maganda to ngayon kesa dati."

"Syempre naman. Kelangan sumabay to sa ganda ko no"

Napaka daldal talaga nila. Tama talang inagahan namin ang punta para wala pang costumer dahil tulad nyan, hindi na naman matigil ang bibig ni Kim kakadada. Palibhasay madaldal din ang kasama.

"Anong meron naman sayo?"

"Anong, anong meron sakin?"

Iritable kong tanong sa kanya. Napakunot noo naman ako nang lumiyad sya sakin at tinitigan ang mukha ko. Agad na dinakot ng kamay ko ang mukha nya at mahinang tinulak ito.

"Masyado kang malapit."

"Ay. Ang harsh ah"

"Hahaha bad mood yan."

Narinig kong bulong ni Kim. Sinandal ko na lang ang ulo ko sa sofa at salubong ang kilay na tumitig lang ako sa kisame.

"Oh? Anyare nemen?"

Tanong ni Ced.

"Anong drama naman yan at talagang mas makapal pa sa foundation ko yang nasa mukha mo?"

Natatawa nyang biro na hindi ko naman kinibuan.

"Famous kase yang kaibigan natin sa ZIPS. Idol ng lahat"

Sarkastiko at natatawang bulong sa kanya ni Kim.

"Ay. Wala ng bago. Pero yang kaibigan mo, hindi naman nag kukwento"

"Nako, asa ka naman dyan."

"Sabagay. So sino na naman ang bagong nakatarget dyan."

Tila curious na tanong ni Ced.

"Nako. Trip kase yan ni Abo, famous sa campus kaya ayan, pati ibang estudyante, nakiuso."

"Eh ikaw? Ano namang ganap mo? Nood nood na lang? Walang pag tulong?"

"Para namang hindi mo kilala yan. Ayaw nya ng may extra. Kapag gulo nya, gusto nya sya lang ang eeksena. Minsan eextra ako pero madalas binabara ko lang."

Sabi ni Kim.

"Eh Leigh" pukaw sakin ni Ced.

"Bakit hindi ka mag sumbong sa dean nyo?"

Pero tinignan ko lang sya.

"Ay, katakot ang lola mo"

Sabi ni Ced na ikinatawa naman ni kim.

"Anak yun ng dean namin"

Mabilis ko ding sagot sa kanya.

"And so?"

Taas ang isang kilay na tanong nya.

"Gagi. Edi syempre useless lang"

Sabat ni Kim.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon