ASTRID
"Ash, ano ba talagang nangyare?"
Tanong sakin ni Zay."Oo nga. Hindi mo man lang kami tinawagan, mabuti na lang may nakapag sabi samin."
Si Sari.Napabuntong hininga na lang ako. Kanina pa sila tanong ng tanong at hanggang ngayong uwian hindi ko parin sila masagot dahil sa sobrang pag aalala at pag iisip.
Matapos ng nangyare sa parking lot halos buong araw ng naging malamig sakin si Nerdy. Tuwing break time at nung lunch, ilang beses ko syang sinubukang kausapin pero ni hindi man lang nya ko magawang tignan. Sobrang bigat na talaga sa dibdib pero iniisip ko na lang na baka naman nasaktan lang sya sa mga nangyareng sagutan nila ni Pres. Kellen.
'P-posible kayang may kinalaman to sakin?'
Ayokong mag assume pero pakiramdam ko tungkol sakin ang mga huling pinag usapan nila at ayoko mang isipin pero baka dahil sakin.... lalo silang magkagulo.
Muli akong napabuga ng hangin at mas lalo ko tuloy gustong kausapin si Nerdy at talagang kanina ko pa pinag dadasal na sana matapos na ang oras.
"Ash... talk to us."
Biglang sabi ni Zay. Tinignan ko sila pareho ni Sari at hindi ko maiwasang mahiya sa kanila."S-sorry... m-masyado lang akong maraming iniisip."
"Totoo bang si Astrid at si Leighton na?"
"Gosh! I cant believe na lesbian din pala yang si Astrid."
"Kaya pala lagi silang magkasama."
"Oo nga. Kaya pala bigla silang naging close."
"Ewww! Kinikilabutan tuloy ako! Baka sumisimple ng silip satin yang si Astrid! Ayoko nang sumabay sa kanya sa Cr!"
"Oo nga! Kaya pala puro babae din ang binubully nya!"
Napayuko na lang ako sa mga naririnig ko. Gusto kong tumakbo palayo pero hindi pwede, gusto kong patunayan na hindi sila tama sa mga hinala nila. Gustong gusto kong sigawan ang mga buwisit na to at kalbuhin ang mga buhok nila pero masyado akong kinakain ng takot ko.
"Hoy kayo! Kapag hindi kayo tumahimik, gagawin kong impyerno yang mga walang kuwentang buhay nyo!"
Napatingin ako kay Sari at talagang galit na galit sya."S-sar... thats okay."
Pag sisinungaling ko pero hindi nya ko pinansin. Ngayon ko lang sya nakitang ganito kagalit."So what kung sila na ni Leigh?! Ano namang paki nyo?! Aba kung mag salita kayo parang ang peperpekto nyo! And excuse me! Oo! Tama kayo! Si Astrid Landry at Leighton Liv ay parehong babae pero wag kayong assuming na tinetake for granted kayo ni Ash dahil kung tutuusin wala namang interesante sa inyo!"
"H-hindi naman—"
"Oh shut up! Narinig na nga, mag dadahilan pa kayo! Hindi kami kasing tanga nyo!"
"Sari tama na!!"
Malakas na sigaw ko na ikinagulat nya."What?! Pinapaliwanag ko lang sa kan—"
"Tama na nga okay?! Lalo mo lang pinapalaki ang gulo!"
Inis na sigaw ko pa na talagang umecho sa buong room. Napatungo ako dahil hindi ko sila magawang tignan.Nanatiling tahimik ang buong room hanggang sa tumunog na ang speaker at kanya kanya na ng labasan ang lahat maliban saming tatlo.
"I-im s-sorry... i-im just stressed kaya—"
"Kaya sakin mo binunton? Ha! I cant believe you!"
Inis na sabi ni Sari na isa isa ng inayos ang mga gamit nya."S-sari..."
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...