143
************
KIMORA
"Walanjo naman oh! Hindi ba talaga nag paalam yung Abo na yun?!"
"No. Last time i saw her ay nung nag paalam sya sa tin sa canteen."
"Putek naman oh! San naman natin hahagilapin ang babaeng yun?! Talagang pinangatawan nya ang pangalan nyang Abo at bigla na lang nawala! Para san pa kaya yang cellphone nya kung hindi naman magamit?! Kapag nakita ko talaga ang babaeng yun babangasan ko yun kahit na patayin pa ko ni Leigh! Walanjo! Parang wala syang mga kaibigan ah!"
"I know she had a reason."
"Kahit ano pang rason nya, mali parin yung bigla na lang syang nag lahong parang bula! Sabihin na nating may maganda syang rason pero ganun ba kahirap na idial ang kahit kaninong number para sabihing 'hoy mga hinayupak, okay lang ako! Wag nyo na kong hanapin!' Oh edi walang problema! Gasino ba yung tawagan kayo dahil kayo yung kaibigan o tawagan si Leigh na girlfriend nya!"
"I know. Kaya nga hindi ko maiwasang mag aalala sa kanya. But Sari is right, mag aalala sila tita kapag sinabi natin sa kanila na nawawala sya. Baka may emergency lang talaga."
"Hay nako! Ewan ko na lang talaga! Hindi ito ang unang beses na nag awol yang lokong Abo na yan at talagng mauulol na ko sa inis! Ang hirap na ngang intindihan ng kumag na Leighton na yun tapos sya din tong pabasta basta na lang! Kanina puro sya Leighton! 'Nasan si Leigh?!', 'hindi ako kakain kapag wala si Leigh!', 'hihintayin ko si Leigh!' Eh kulang na lang ipakasal ko na si leigh sa kanya eh! Tapos ngayon biglang ganyan?! May sapak ata talaga kayong mag kakaibigan eh!"
Hindi na umimik si Zay at tinuon na lng nito ang atensyon sa pag mamaneho.
Hindi man sya mag salita pero alam kong nag aalala sya ng sobra kay Abo.
'Syempre naman! Ako nga tong kaibigan lang dahil best friend ko yung jowa nya nag aalala, sila pa kayang kaibigan?!'
Alam kong naririndi na sya sa boses ko dahil dadalawa lang naman kami at mag kalapit pa ay sigaw ako ng sigaw.
Pero hindi ko maiwasan!
Nag aalala kase talaga ko kay Abo at mas lalong nag aalala ako kay Leigh!
Ayokong mag isip ng masama, ayokong isipin na napahamak na sya at mas lalong ayokong isipin na nag kakaproblema sila ni Leigh ngayon!
'Walanjo! Kung kailan namang kakaamin lang nung isa na sobra nyang mahal si Abo, tyaka pa nag kaganito!'
Kanina, nagulat talaga ako ng sagutin nya ko ng sobra. Ineexpect ko lang na oo o hindi o kaya tatahimik sya pero sobra ang sagot nya!
Kinilig talaga ako at natuwa dahil finally, inamin na rin nya sa sarili nya na mahal nya na si Abo at yun ang mas lalo kong kinakabahala! Sobrang mahal sya ni Leigh kaya alam kong hindi yun titigil hanggat hindi nya nakikita si Abo! Kahit na masama na ng sorba ang lagay nya!
"W-wala ba talagang nasabi si Ash sa inyo?"
Mahinahon ko ng tanong."Wala. She just left without saying anything. Sabi naman ni Leigh, ayos lang silang dalawa kaya wala tuloy akong maisip na dahilan para bigla syang mawala."
"Syemay naman oh! Naiistress na nga ko sa lovelife ko, naiistress pa ko sa lovelife nila!"
Wala sa sariling sabi ko na ikinalingon nya.'Gago! Bakit sinabi mo yun?!'
Nag iwas ako ng tingin at nag patay malisya.
"O-okay lang ba kung ihatid mo ko sa bahay tapos samahan mo ko sa school? Ihahatid ko kay Leigh yung motor nya, baka kase hindi dumating si Ash. Hindi naman yun papayag na sumabay satin!"
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Novela Juvenil"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...