151
**********
LEIGHTON
*TENENENENENEN TENEN TENEN
TENENENENENEN TENEN TENEN*Kanya kanya na nang tayuan ang lahat ng marinig ang tugtog na hudyat na lunch break na habang ako ay nanatili paring nakaupo.
"Hoy! Miss na miss lang ang upuan?! Aba kainan na!"
Si Kim pero hindi ko sya pinansin at deretso parin ang tingin ko sa board."Nako te, mukhang namiss ang classroom! Hahahah!"
"Ano naman kayang drama nito?!"
Nag baba ang tingin ko sa phone ko ng umilaw ito hudyat na may message na dumating.
"Huy! Ayos ka lang?! Problema mo?!"
"Tara na."
Sabi ko na lang kay Kim at nauna ng lumabas sa kanila."Walanjo! Baka naman naiwan na sa Cebu ang totoong Leighton!"
"Ay pwede te! Hahahah! Kanina pa yan tahimik eh!"
"Gaga! Palagi naman yang tahimik eh!"
Rinig ko pang mga usapan nila pero hindi ko sila pinansin at tuloy tuloy lang ako sa pag lalakad.
Pagbaba palang namin ng building namin ay tanaw ko na agad ang grupo nila Abo na mukhang hinintay kami.
"Akala ko hindi na kayo bababa eh!"
Nakangiting sabi nya na agad pinulupot sa braso ko ang braso nya.Hindi na ko umimik at sabay sabay na kaming nag lakad papunta sa canteen.
"Ang clingy mo bakla ha!"
Rinig kong asar sa kanya ni Jay."Takot na atang mawala si Leigh eh."
Asar din ni Kim."Hoy!"
Sigaw nya kay Kim na humiwalay pa sakin.
"Akala mo nakalimutan ko yung ginawa mo sakin?! Sinungaling ka!""Hoy ka din! Anong sinungaling?! Ayos ka ah!"
"Bakit totoo naman eh! Kung ano anong sinabi mo sakin tapos hindi naman pala totoo! Edi sinungaling ka!"
"Totoo ang sinabi ko no! Kung hindi naman talaga dahil sayo hindi yan ipapadala sa Cebu! Mabuti nga at nakabalik pa yan eh!"
"Yun ay dahil sa may pinagawa sa kanya ang pamilya nya!"
"Oo nga! Ano bang sinabi ko?! Sinabi ko bang pinapunta sya dun para tumambay?! Boblaks ka pala eh!"
"Pero sabi mo dahil sakin puwede syang mapahamak dun! Akala ko pinahirapan na sya don! Akala ko sinasaktan sya ng pamilya nya!"
"Eh ikaw pala tong ogag eh! Ang sabi ko lang pinarusahan sya dahil sayo! May sinabi ba kong pinapatay na yan dun?!"
"H-hindi mo naman kase nilinaw eh!"
"Kayong dalawa, ang ingay nyo!"
Reklamo ni Aj sa kanila na ikinagulat naman nila."Hala! Seryoso ang bakla!"
Si Jay."Wag mo ng asarin... mukhang seryoso sya."
Si Zay."Eh bakit naman ba?! Ano namang drama mo?!"
Si Kim."Wala!"
"Woah! Hahahaah! Nasan ba ang Sariyah at mukhang nagwawala ang alaga nya! Hahahahah!"
"Shut up Kimora! Wag mo ngang hinahanap ang wala!"
"LQ kayo?!"
Si Abo."Isa kapa! Ewan ko sa inyo! Wag nyo kong kausapin!"
Nag tawanan pa sila at nag asaran hanggang sa makaupo na kami sa loob ng canteen.
BINABASA MO ANG
Bully - SHE
Teen Fiction"I love you.." "You dont mean that." "No! I know what i feel!" Here she goes. Smirking like im talking nonsense. I hate seeing that insulting smirk of her but.. i cant deny that i miss her. "Why its hard for you to believe what im saying?! Ako ang n...