098

1.8K 73 3
                                    

LEIGHTON

Ano naman kayang ginawa ng babaeng yun at bigla na lang umalis yung si Nixon.

Sabi ko na, dapat dinala ko na lang ang motor ko. Dapat din kasama ko si Kim pero nag kataon namang tumawag sa kanya ang mommy nya at nakipag meet sa kanya. Si Nixon naman na isa ding matigas ang ulo ay sinundo ako dala ang dress na soot ko ngayon. Ayos lang naman saking mag dress pero hindi ang mag sandals na gusto nyang isuot ko.

Muli akong bumalik sa resto pero ang hinayupak, wala na rin sila Pops. So no choice kundi mag lakad.

'Humanda talaga sakin yang abo na yan.'

Pinasok ko sa loob ng jacket ang dalawa kong kamay tyaka naglakad sa gilid ng kalsada. Wala akong ideya kung anong oras na pero ilang sasakyan na lang ang nakikita ko at may ilang mga boutique na ang sarado.

*BEEEEEPP*

*BEEEEEPP*

*BEEEEEPP*

Walang emosyong nilingon ko ang kotseng nasa gilid ko.

"L-liv... w-wala kang sasakyan?"

Hindi ko sya sinagot at nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"I guess wala nga. Hehehe. S-sumabay ka na sakin."

"No thanks."
Walang emosyong sabi ko at muli ng nag patuloy sa pag lalakad pero narinig ko ang pag bukas ng kotse nya at alam kong bumaba sya.

"Liv, delikado na. Sumakay kana."
Sabi nya ng iharap nya ko sa kanya. Tinignan ko ang kamay nyang nakahawak sa braso ko kaya nahihiyang binitawan nya to.

"Kaya ko ang sarili ko. Umuwi kana."

"Liv, please. Baka kung anong mangyare sayo."

"Bago may mangyare sakin, sa kanila muna. Umuwi kana."

"Pero Liv-"

*BEEEEEPP*

*BEEEEEPP*

Bored na nilingon ko ang isa pang kotse at lumabas dito si Misis Bryleighn.

"Is theres something wrong?"
Nag aalalang tanong ni Misis Bryleighn ng makalapit ito samin.
"Why youre still here, Leigh honey? Hindi kaba sumabay sa mga kapatid at lolo mo?"

"Iniwan ho nila ko. But im okay."

"Oh no. So magko commute ka?"

"Mmm."

"I didnt know na mag kakilala pala kayo."
Tanong niya na tinignan din si Cadence.

"Were schoolmates before."
Deretsong sabi ko.

"I see."

"Ahm, tita. Sasabay na sya sakin."

"Bakit sayo?"
Biglang singit naman ng kabababa lang na si Abo.

'Ano na namang eksena nito?'

"Bakit naman hindi?"
Nakangiting tanong nya pabalik dito.

"Tss. Sino namang may sabing sasabay ako sayo?"
Walang emosyong sabi ko na halatang kinagulat nya.

"Then, bakit hindi ka nalang samin sumabay?"
Nakangiting pagsingit ni Misis Bryleighn.

"Hindi na ho, Misis Bryleighn."

"I said dont call me that. Mommy na lang or tita."
Parang batang maktol nya.

'Bakit ba ang kukulit nila?!'

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon