035

2K 64 1
                                    


LEIGH

Hindi ko maikakalang masama na talaga ang pakiramdam ko pero kahit ano namang mangyare kaya ko to. Parang lagnat lang eh. Pero hanggat maaari, umiiwas na lang ako sa gulo dahil kapag ganitong masama ang pakiramdam ko, mas mabilis uminit ang ulo ko at baka hindi ko pa mapigilan ang sarili ko.

Nakakatuwa na hanggang ngayon, ramdam ko parin ang sakit ng leeg ko. At alam kong lalong nawawala ang boses ko dahil nga sa lagnat.

Nasa loob kami ng classroom at nag hihintay lang sa Instructor namin ng pumasok ang isa sa kaklase namin na dumeretso naman sa harapan.

"Guys, announcement. Wala si Miss Roque hanggang bukas pero!"
Mabilis nyang sabi bago pa man mag kaingay ang mga kaklase namin.
"May quiz daw tayo sa friday at 100 items kaya mag review daw."

"What?!"

"Ano ba yan!!"

"Pambihira naman oh!"

"Dumagdag pa sa pahirap oh!"

Reklamo nila.

"Tara Leigh, tambay tayo sa garden."
Nakangiting sabi ni Amya.

Pansin ko lang, simula pa lang nung first day talagang matyaga nya kong inaapproach kahit nga hindi ko sya pinapansin gumawa talaga sya ng paraan para kausapin ako.

"Ano namang gagawin natin dun?"
Tanong ni Kim. Nag iwas na lang ako ng tingin sa kanila.

"Don na lang tayo mag review para tahimik." Si Amya.

"Ay wow! Ang bakla, ganado ata?"
Si Jay.

"Baliw. Gusto ko lang pumasa no."

"Ayus... ang sabihin mo inlove ka."

"Hindi kaya..."

"Tara na Kim. Iwan na natin tong dalawang baklang to."
Si Aj.

"Hoy bakla, sasama kami no."
Si Jay.

"T-teka.."

Hinila na nila si Kim palabas at naiwan na lang kami ni Amya.

"Ikaw Leigh? Tara. Mas okay dun. Masarap ang hangin."

Kinuha ko ang bag ko.

"Sige na mauna kana."

"S-sige."

Nag lakad na sya at alam kong minsan ay lumilingon sya sakin pero hindi ko na lang pinansin. Nakatanaw lang ako sa makulimlim na kalangitan. Hindi naman sya mukhang uulan. Makakapal ang ulap at salamat sa kanila dahil natatakpan nito ang init ng araw.

"Ahm. Leigh.."
Si Amya. Hindi ko napansin na mag katabi na pala kami habang nag lalakad.

"Mmm."

"Masama pa ba pakiramdam mo?"

"Ayos lang ako.."

Sagot ko ng hindi tumitingin sa kanya.

"Ahm..."

Bago pa man sya mag salita ay napahinto sya ng tawagin ko si Kim.

"San ka pupunta?"

"Bibili ng tubig. Sama ka?"

Tumango ako sa kanya.

"Mauna ka na muna don."

"Ah sandali! Ito oh.. uminom ka ng gamot para gumaling ka.."

"Thanks."

Inabot ko na ang gamot at nag lakad palapit kay Kim. Hindi talaga ako umiinom ng gamot kase hindi ko gusto ang lasa pero ayoko namang itapon dahil baka magalit si Amya.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon