016

2.3K 78 0
                                    

LEIGH

Matapos ang unang klase ay nag paalam lang akong mag si cr. Habang nakaupo sa bowl ay hindi ko maiwasang balikan ang mga nangyayare sakin dito sa school. Masyado ng maraming nangyare para sa dalawang linggo. Kahit saang anggulo ko kase tignan ay hindi ko mahanap ang sagot kung bakit sila nagkaka ganito sakin. Lalo na si abo.

Hindi naman ako nag papansin pero kusa na nila akong pinansin. Hindi ko naman sila ginulo, pero sila tong araw araw gumugulo sa buhay ko. Squatter? Parang sa aming lahat, sila tong mga ugaling squatter. Mga naturingang mayayaman, mga para namang walang pinag aralan.

Bumuntong hininga na lang ako habang nakatingin sa salamin. Tinitigan ko ang sarili ko at parang pagod na pagod na ko at hanggang ngayon ay ramdam parin ang sakit ng pag tulak nya sakin.

'Tss. Engot ka din kase eh, sinabayan mo pa kaya ayan, mag dusa ka.'

"Hi" bati nya sakin ng makalabas ako ng CR. Inayos ko ang salamin ko at tinanguan sya. If im not mistaken, Zylee ang pangalan nya.

"Actually, i heard what happened earlier."

Tila nahihiyang sabi nya.

"Im very sorry for that."

Muling sabi niya ng hindi ako sumagot. Mag sasalita na sana ako ng marinig namin ang ilang bulungan.

"Ahm, can i talk to you? Just for a short time."

Tumango lang ako sa kanya at pumunta kaming parking lot. Oras pa kase ng klase kaya naman hindi basta basta nakakalabas ang kahit na sinong estudyante maliban na lang kung natawag mismo sa guard.

"Im sorry. Hindi kase tayo pwedeng lumabas eh. Masyado namang maraming chismosa sa loob"

Bahagya pa syang tumawa. Napatingin naman ako sa kotse na sinandalan nya.

"Nice car."

Nakangiting sabi ko para naman hindi sya mailang.

"Thanks. Gift ni Dad sakin."

"Your really that wealthy, huh?"

"Not me. But my parents are. Nakikigamit lang ako ng pera nila."

Bahagya naman akong natawa sa sinabi nya pero napatikhim ako ng mapansin ang pag titig nya.

"Ahm, sorry. I was just surprise. Ngayon lang kita nakitang tumawa ng hindi nangiinis."

"Ngayon lang naman kase tayo nag kausap. Anyway, what do you want to talk about?"

Nakapamulsa akong sumandal din sa kotse nya.

"Well, its about Astrid. Actually nagulat talaga ako ng malaman kong ginawa nya sayo yun."

Umiiling pa sya habang sinasabi nya yun.

"Hindi naman kase sya ganito dati. I mean, yes shes a bully pero hindi sya ganito kalala. She stop bullying someone, specially kapag alam nyang sumosobra na sya."

Nakatingin lang sya sa malayo at tila iniisip ang nakaraan. Mukhang mahabang kwentuhan ata to.

"I didnt know why shes so obsessed with you. Sorry for the term, but i think she really hates you."

Nakatingin na sya sakin at nginisian ko lang sya.

'Well, i dont care.'

"I think its beacuse your different. I mean, sa lahat kase ng binully nya, wala ni isa ang lumaban kaya nga mabilis nyang tinitigilan kase 'ang weak' daw. Ikaw lang ang pumatol sa kanya."

"Ah."

Sagot ko at tumango pa. Napakunot noo naman ako ng tumawa sya. Ano namang nakakatawa sa sinabi ko.

Bully - SHETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon