Maaga gumising si Ella Mae para sa pagbubukas ng klase, grade 7 na siya. Papasok siya ngayon sa kanyang bagong school ang St. Valentine Academy. Excited siya sa magiging bago niyang kaklase, bagong teacher, at bagong environment. Hanggang grade 6 lang kasi ang pinaggalingan niyang school at ang St. Valentine ay High school lamang.
Matagal na niyang gusto pumasok sa eskwelahang ito bukod kasi sa makakasama niya ang kuya niyang si Steven. Magiging parte pa si Ella ng school paper ng naturang school.
Hindi madaling makapasok sa paaralang ito kailangan mo muna kasing makapasa sa entrance exam na susukatin ang EQ at IQ mo. Dagdag pa dito mahal ang tuition fee dito. Kaya naman nag apply siya ng scholarship ng St Valentine.
Dahil sa angkin niyang talino nakapasa siya, at nag top 1 sa exam. Dapat lang, nakakahiya naman. Siya lang naman kasi ang valedictorian sa pinanggalingan niyang school noong elementary level siya.
Consistent honor student, top 1 mula kinder hanggang makakagraduate siya ng grade 6. Kaya naman noong nalaman niya na top siya sa entrance exam ng St. Valentine. Automatic na tinawagan siya ng Valentine Magazine, ang school paper ng naturang school, para makabilang sa staffers nito.
Kung tutuusin pwede ka naman makapasok sa naturang school, iyon nga lang, kung hindi ka matalino, dapat mayaman ka. Mahal kasi ang tuition fee dito. Pero kahit na ganoon may kalidad naman kasi ang turo dito. Hindi ka talaga mag sisisi. Pili lang ang mga mag-aaral dito na gumamit ng pera para makapasok sa St. Valentine Academy.
Kailangan na niya mag almusal dahil hinihintay na siya ng Kuya Steven niya sa baba.
"Ella Mae matagal ka pa ba, kumain na tayo." Sigaw ng kuya niya na nakadungaw sa hagdan.
"Oo kuya pababa na ako." Ganting sigaw ni Ella
Nagmamadaling bumaba si Ella. Nasa kalagitnaan pa lamang siya ng hagdan ng kantiyawan siya ng kapatid.
"Wow ang ganda naman ng bunso namin. Mukhang excited sa bagong school ah." Pabirong sabi ni Steven
"Matagal na akong maganda kuya. Saka nakakahiya naman sayo kuya. Kasama pa naman kita. Gusto ko special din ang huling taong mo sa senior high na kasama ako." Nakangusong sabi ni ella
Grade 12 na kasi si Steven. 12yrs old na si Ella, samantalang 17yrs old naman ang kuya niya. Kahit malayo ang edad nila magkasundo silang dalawa. Ang kuya niya ang kanyang taga pagtanggol pag inaaway siya noong panahong uhugin pa siya.
Super close siya sa kuya niya, minsan pa nga sinasama siya nito sa mga lakad nito. Kahit nga sa pagbabasketball kasama ng mga barkada nito, akay siya nito. Kaya hayun natuto rin siya ng mga larong panlalaki, basketball, billiard at mga online games tulad ng COC, CR, ML, PUbG etc.
"Tama na ang bolahan, kumain na kayo at baka malate pa kayo," nakangiting sabi ng mama nila a.k.a Aling Lilian.
Mrs Lilian Ang -Tuazon, guro ito dati pero maagang nagretiro dahil mas pinili nitong alagaan sila Steven at Ella, na sinang-ayunan naman ng asawa nito.
Nakaupo na si Papa a.k.a Mang Diony sa hapag kainan, nakaugalian na nito magbasa ng diyaryo tuwing umaga. Mahilig talaga magbasa ng kahit na ano ang papa niya. Dito nagmana si Ella sa hilig sa pagbabasa.
Mr Diony Tuazon, isang businessman at nagmamay ari ng maliit na grocery store sa bayan. Pag mamay- ari nito ang pwestong kinatitirikan ng naturang grocery store.
Binaba ni Mang Diony ang diyaryo ng makitang nakaupo na ang lahat sa hapagkainan. Si Ella ang nag lead ng prayer bago kumain.
"Bunso galingan mo sa school ha, make your papa proud," sabi ni Mang Diony habang kumakain.
"Opo naman papa, ako pa ba." May pagyayabang na sabi ni Ella
Masayang pamilya ang kinagisnan ni Ella, ang lupang kinatitirikan ng bahay nila ay namana ng papa niya sa mga magulang nito. Kaya dito na sila isinilang at lumaki sa Nueva Ecija ng kuya niya. May dalawang palapag ang bahay nila, ang 2nd floor ay may apat na kwarto. Simple lang ang desenyo nito sementado na ang mga pader at naka tiles na rin ang mga sahig, kakarenovate nga lang ito noong nakaraan taon.
"Panatag kami ng papa mo kahit malayo ang school mo ngayon, andyan naman si Kuya mo para bantayan ka." Saad ni Aling Lilian na bahagya pa rin nag aalala sa bunso nito..
"Ma, naman isang sakay lang naman ako." Nakangusong sabi ni Ella
"Hayaan niyo pa, ma. Ako bahala kay bunso. Lagot sa akin manliligaw diyan."seryosong sabi ng kuya niya.
Grade 4 pa lang kasi marami na nanliligaw sa kanya. Ang kuya niya ang humaharang sa mga ito.
"Kuya grabe ka rin ah, alam niyo naman po lahat, na pag aaral ang priority ko. Gusto ko makatapos ng pag-aaral. Gusto ko yumaman at makabili ng isla." Nangangarap na sabi ni Ella
Ito ang pangarap nila ng kuya Steven niya. Noong elementary days ng kuya niya, nakapunta na sila sa isang isla sa Batangas. Nagandahan sila sa lugar na iyon. Naalala pa ni Ella ang sinabi ng kuya niya sa kanya noong panahong iyon
"ELla Mae, pag laki ko bibili ako ng isla. Islang pagtatayuan ko ng mga pangarap ko. Isasama ko kayo nila papa at mama." Seryosong sabi ni Steven habang nasa dalampasigan sila at nakatanaw sa dagat.
"Kuya naman eh, saan ka naman kukuha ng pera. Mahirap lang tayo." Sabi ni Ella habang naglalaro ng buhangin.
"basta Ella pangako ko yan, wala pa akong pangako sa iyo na hindi natutupad di ba. Gagawin ni kuya lahat para matupad ko iyon,"paniguradong sabi ni Steven
Bumalik sa realidad si Ella ng narinig ang pagtawa ni Steven.
"Naalala mo pa talaga yung mga sinabi ko sayo dati. Naku lagot ako nito kailangan makuha ko ang isla kung hindi aawayin ako ng bunso namin." Nagbibirong sabi ni Steven.
Steven Tuazon, 17yrs old basketball varsity player ng St. Valentine, scholar, popular na estudyante, hinahangaan ng maraming kababaihan. Bakit nga ba hindi? mabait na anak, kuya at kaibigan. Pero wala itong seryosong nakarelasyon.
"Kuya naman. Magkakaroon tayo ng ganoon." paninigurado ni Ella
"Magsitigil na nga kayong dalawa at bilisan sa pagkain, day dreaming talaga mga anak." Naiiling na sabi ng Aling Lilian
"Hayaan mo ma, tutuparin ko iyon." Seryosong sabi ni Steven
Natapos sila kumain ng masaya. Ganoon sila lagi kahit hindi sila ganoon kayaman, mayaman naman sila sa pag mamahal ng pamilya. Na hindi ipagpapalit ni Ella kahit kailan.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomansaAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...