Binabagtas ni Rod ang kahabaan ng kalsada papuntang Hospital. Tinitingnan niya si Ella na nasa likuran mula sa salamin ng sasakyan.“Malapit na sweetheart, sandali na lang.” nag-aalalang sabi ni Rod.
Nang makilala si Rod sa naturang hospital dali-daling kumuha ng stretcher ang staff at binuhat ni Rod si Ella papunta roon. Ibinigay niya sa susi sa guard para sa pag papark nun.
Dinala sa emergency room si Ella. Ilan sandali pa dumating na sila Rico, Lance at Mrs. Cheung. Agad na pumunta si Mrs. Cheung sa doctor na umaasikaso kay Ella. Hindi rin mapakali ang ginang sa gulat ng biglang pagbagsak ni Ella.
Wala pang kalahating oras, dumating sa lugar si Steven kasama nito si Eric at nilapitan ng mga ito si Lance.
Nakita ni Rico ang paparating na dalawang lalaki. Binalingan niya ang kapatid na nakayuko at nasa upuan, mukha itong problemado. Kausap ito ng momy nila na nasa mukha pa rin ang pag-aalala.
Sa di kalayuan napansin ni Rico ang papalapit na grupo ni Steven kay Rod ng harangin ito ni Rico.
“Umupo muna kayo.” pormal na sabi ni Rico sa mga ito. Matalim ang tingin ni Steven na ipinukol sa kanya at binalingan nito si Rod na napatingin lang sa grupo nila Steven.
“Uupo kami pero umalis na kayo. Ako na bahala sa kapatid ko.” galit na sabi ni Steven.
“Hindi mo ba nakikita kung sino ang pinapaalis mo?” nakangising bulong ni Rico kay Steven sabay tingin kay Mrs Cheung na nakatayo na uli at sinisilip si Ella sa emergency room.
Nang hindi sumagot si Steven, nagsalita muli si Rico.
“Siya lang naman ang nag-papaaral sa inyong tatlo. At iyong nakaupo, anak lang naman siya ng taong gumagastos sa pag-aaral ninyong tatlo sa Academy.” diin na nakangising sabi ni Rico.
Nabanaag ang pagkagulat sa tatlo, pero nakabawi si Steven sa sinabi nito.
“Wa-la a-kong pa-ki-a-lam.”dahan dahang wika ni Steven na may diin.
Maangas ang nasa harapan ni Steven. Mas higit itong maangas kaysa kay Rod. Tama ang kutob niya sa bahay nila ng pumunta ito, itinatago lamang ni Rico ang tunay na kaangasan. Tumawa pa ang kaharap ng maunawaan ang sinabi niya.
“Sabihin mo iyan doon sa babaeng nasa pinto. Then think again Steven anim na taon kang pinag-aral niyan. Tingnan natin kung hanggang saan katibay ang sikmura mo.” sarkastikong sabi ni Rico.
Kailangan ni Rico gamitan ng mga salitang pang-iipit si Steven, ito ang taong hindi basta- basta susuko at hindi agad-agad sasang-ayon.
“Damn you. Kung gusto mo, iwan mo iyong nanay mo. Sa kanya ako may utang, hindi sa inyo dalawang magkapatid. Then isako mo na iyang kapatid mo. At ikaw magtago ka na lang sa lungga mo sa Amerika.” matapang na pahayag ni Steven.
Wala siyang pakialam kung sino ang mga nasa harapan niya. Pinaghirapan niya ang anim na taon sa Academy, hindi niya sinayang ang pera ng kung sinumang nagtutustus sa pag-aaral niya. Kaya kahit sino pa ang magsabi, na pina-paaral lang siya ng kung sinuman. May bayad iyon at iyon ay ang talino at galing na ipinamamalas niya sa St. Valentine.
Hindi na nagulat si Rico sa sinabi nito. Kilala niya ang mga karakas ni Steven, kung mayaman nga lang ito, si Steven ang malamang na makakalaban niya sa larangan ng negosyo.
“Hindi kami aalis. Nauunawaan mo,” seryosong sabi ni Rico.
Tinabig ni Steven si Rico upang makadaan. Binalingan nito si Rod na nakaupo. Napansin niya ang mga pasa nito sa mukha at benda nito sa kamay. Halatang malaking sugat ang nangyari sa kamay nito na halos sumakop ang benda sa kabuuang kamay nito.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...