Masakit pa ang ulo ni Ella, naalala pa niya ang nangyari sa mansion ng mga Cheung. Pinipilit niyang imulat ang mga mata, naramdaman niya ang benda sa kamay at mahapdi pa iyon."Sweetheart, sorry."bulong ni Rod kay Ella ng maramdaman nitong gising na ang dalaga pero mukha pa itong groggy dahil siguro sa anesthesia na tinurok sa tinahing kamay nito. Isabay pa na nilalagnat pa rin ang dalaga.
Narinig ni Ella ang boses ni Rod. Nanghihina pa siya at hindi niya alam kung dala ba iyon ng lagnat niya o ng kamay niya na masakit pa rin.
"Si Kuya Steven?" nanghihinang sabi ni Ella. Napaluha siya bigla ng maalala na siguradong pagagalitan siya ni Steven.
Narinig ni Steven ang pagtawag ng kapatid, umalis naman si Rod sa tabi ni Ella.
"Nandito na ako. Magpahinga ka lang. Bukas ng umaga uuwi na tayo."sabi ni Steven. Nakita nito ang kamay ni Ella may malaking bandage iyon at hindi nito maigalaw ng kapatid. Sinulyapan ni Steven si Rod na nakatingin din sa kamay ni Ella.
Ilang sandali pa naramdaman ni Ella parang maraming tao sa paligid niya. Pinilit niyang buksan ang mga mata niya. Nakita niya si Steven na nakatayo sa harapan niya pero nagulat siya ng nagsisimula ng mangitim ang pasa sa mukha nito. Tiningnan ni Ella ang paligid sigurado siya may nangyaring gulo ng tulog siya.
Hinanap ng mata niya si Rod. Sa lahat ito ang mas napuruhan dahil may pasa at mga sugat na ito bago pa mangyari ang gulo sa labas.
"Kuya puwede ko bang makausap sandali si Rod. Ngayon lang please."nanghihinang sabi ni Ella. Iniisip niya sana payagan siya ng kapatid.
Tiningnan ni Steven si Rod. Naisip nito sana kinaladkad na lang niya ito kanina palabas.
"Hindi kasi puwede Ella. Hindi ka pa puwede kausapin. Si Kuya lang muna kakausap sayo. Palalabasin ko na sila lahat. Mamaya darating na sila mama at papa. Kailangan mo magpahinga." mahinahon na sabi ni Steven. Ayaw niyang bigyan ng pagkakataon ang dalawa, simula pa lang wala na siyang tiwala kay Rod.
Ipinagtataka ni Steven, bakit gusto kausapin ng kapatid si Rod. Ayaw niyang isipin na may relasyon ang dalawa, hindi siya makakapayag. Kilala niya si Rod walang babaeng sineseryoso ito, kinakama lang nito ang lahat ng babae. At dose anyos pa lang ang kapatid niya.
"Kuya Steven please, ngayon lang. May sasabihin lang ako." naiiyak na sabi ni Ella. Alam niya na after ng nangyari lalo siyang pagbabawalan na kausapin si Rod.
Nakatingin lamang si Rico sa kapatid, malaking gulo ang kakaharapin nito kapag hindi nito tinigilan si Ella.
Nakita ni Ella na tumingin si Steven kay Eric at umiling lang ito pati na rin si Lance na nasa likod at hindi niya masilip ang itsura nito.
"Ella kasi hindi puwede. Aalis na sila, gabi na kasi. Magpahinga ka na lang muna." seryosong sabi ni Steven. Nakita nitong hindi na nagsalita si Ella, umiiyak itong tumalikod sa kanya. Hindi nito maigalaw ang kanang kamay.
Nilapitan ni Rico si Rod senenyasan niya ito para umuwi, pero tiningnan lang siya ng kapatid at hindi ito umalis sa harap ni Ella. Nang hindi ito sumama nagsalita na si Rico
"Uuwi na tayo. Hindi ka puwede dito. Nauunawaan mo ba ako? Isasama na kita." seryosong sabi ni Rico sa kakambal. Mahihirapan siya kay Rod, sarado ang isip nito at hindi basta-basta susunod lalo na may gusto itong gawin.
"Pare halika na. Magpahinga ka na rin. Saka iyang sugat mo sa kamay bumuka iyan panigurado." sabi ni Dennis. Dumudugo na ang kamay nito na nakabenda pero parang wala itong nararamdamang sakit.
"Kakausapin ko lang si Ella."sabi ni Rod sa dalawa. Kahit ayaw ni Steven kakausapin niya si Ella, hindi rin siya makakatulog. Malamang maglalasing lang siya sa bahay o pupunta sa La Secretos.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...