La Secretos…..Isang bar na itinayo para sa kabataang walang gusto gawin sa buhay kundi mag saya at magliwaliw. Mga anak ng kilalang personalidad at negosyante ang mga parokyano sa bar na ito. Walang sino man ang nakakapasok sa lugar kung wala kang pass na nagkakahalaga ng isang milyong piso.
Bukod dito isa itong organisasyon ng mga kabataang, laki sa luho at layaw, mga kabataang sa murang gulang alam na ang kalakaran sa laman at buhay. Bisyong alak at babae lamang ang pwede dito. Ipinagbabawal pa rin ng pamunuan na makapasok ang droga sa lugar.
Hindi ito alam ng nakakarami, ang bar na ito ay pinoprotektahan ng matataas na tao sa lipunan. Aakalain mong isa lamang condo unit na lihim na nakatayo sa dulong bayan ng probinsya. Tatlong palapag na gusali na pinoprotektahan ng sound proof para hindi makalabas ang ingay na nanggagaling sa loob. Ang pinagtatayuan nito ay kasing lawak ng pinakamalaking dome sa Pilipinas.
May mataas itong gate na napapaligiran ng mga nagtataasang puno… ang unang palapag ay isa lamang parke kung saan makikita ang ibat ibang mamahaling sasakyan na sa ibang bansa mo lamang kadalasan makikita.
Sa ikalawang palapag makikita ang mismong sentro ng kasiyahan ng mga kabataan. May malaking dance floor ito sa gitna. May malawak na stage na pang broadway. Mga nakakaakit na ilaw na waring nang aayang sumayaw. Mga makukulay na ilaw na patay sindi sinamahan pa ng props nitong usok sa gilid ng dance floor. Nahahati ang ikalawang palapag sa apat na parte
Sa unang parte nito nakalagay ang mga couch at mesa. Tinatawag itong El Sol na ang ibig sabihin ay Ang araw. Iba't ibang klase may pabilog na mesa na apatan hanggang waluhang upuan. May couch type na upuan sa bandang gilid ng bar. May malalaking at mahahabang couch sa bandang kanan.
Sa ikalawang parte bandang kaliwa makikita at nakalagak ang mga pribadong upuan at couch na nakalaan para sa mga vip ng naturang bar. Ito naman La Luna na ang ibig sabihin ay Ang buwan.
May napakalaking bar counter ito sa ikatlong parte. Kung saan busy ang mga tauhan sa pag bibigay ng order sa mga costumer. Naririto din ang pabilog na counter kung saan nagpapakita ng kaunting tricks ang mga bar staff. May mga mamahaling alak na ipangbebenta dito. Naka display naman sa napakalaking lalagyan sa likod ng counter ang mga alak na nagmula pa sa ibat ibang sulok ng mundo. Las Estrellas ang tawag dito na ang ibig sabihin ay Ang Bituin.
Ang huling parte na ikalawang palapag ay nakaaangat sa iba. May hagdan ito at napapalibutan ng mamahaling railings, kitang kita dito ang nangyayari sa buong palapag. nakapwesto dito ang pabilog na couch at may mahabang mesa sa gitna. Sa mga gilid nito ay may apatan hanggang animan na malalambot na upuan na may mesa rin sa mga gitna. Naiiba rin ang kulay ng ilaw dito, tuwing iilaw ang ibang parte ng palapag. Angat sa lahat ang lugar na ito, bakit nga ba hindi? Dito lang naman nakaupo ang mga may ari ng La Secretos….
Na siyang pinakamakapangyarihan sa lahat ng parte ito ang El Cielo na ang ibig sabihin ay Ang Langit.
Ang ikatlong palapag ay protektado, ito ay isang pribadong palapag na ang mga nag mamay ari lamang ang siyang nakakapunta. May lihim na daan ito na nasa El Cielo....
Halos puno ang bar ng gabing iyon, hindi na marinig ang mga boses sa lakas ng ingay ng tugtog na nagmumula sa stage nito. Maraming sumasayaw na kabataan sa gitna ng dance floor. May mga taga Manila pang dumarayo sa lugar na ito.
“Pare, kamusta si Ella,” tanong ni Dennis habang may hawak itong kopita, nakaupo sa pabilog na couch at may dalawang babae sa magkabilang gilid nito.
“Huwag muna natin pag usapan lalo na nasa ganitong lugar tayo,” seryosong sabi ni Rod. Lumagok ito ng alak. Katabi nito ang isang babae na kanina pa siya ayaw tigilan sa paghalik na ginagawa sa kanya.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomantizmAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...