(Just play the theme song for this chapter)
5th day El Paradiso
4:30am Mt. Esperanza
“Lance, malayo pa ba?” tanong ni Ella habang hawak siya ni Lance, mag-aapat na oras na silang naglalakad. Napapagod na ang paa niya at nagugutom na rin siya.Tiningnan ni Lance si Ella, gustuhin man niyang bilisan ang paglalakad para hindi maabutan nila Rod, parang malabo mangyari dahil hindi kakayanin ng tatlong babaeng kasama nila. Lalo na si Ella na nahihirapan ng maglakad dahil sa binti nito.
“Mga isa hanggang tatlong oras na lang pero mag-pahinga muna tayo. May pagkain ako dito, kumain muna tayo.” masuyong sabi ni Lance kay Ella.
“Sige. Nagugutom na kasi ako.” sabi ni Ella. Inalalayan siya ni Lance maupo at tinawag ang ibang kasamahan.
“Bhes, okay ka lang?” tanong ni Marie.
“Bakit ikaw kaya mo pa?” nakangising sabi ni Ella.
“Oo, parang gusto ko na ngang takbuhin.” natatawang sabi ni Marie.
“Bilib ako sa energy mo. Ano ba battery mo? Energizer? O baka naka- motolite ka.” natatawang sabi ni Ella kay Marie.
“Malakas ako. Lalo na kapag nakikita ko ang man of my dreams ko. Tapos darating ang araw magiging Marie Tuazon na ako. Bhes magka-apelyido na tayo.” tumatawang sabi ni Marie.
“Baliw, magiging Marie Lopez ka sa future.” birong sabi ni Ella na ikinatigil sa pagtawa ni Marie.
“Aiiissssttttt, malay mo mambabae si Dennis, tutal babaero naman iyon. So kakalap ako ng ebidensya para maghiwalay kami kaagad. Basta huwag mo muna pag-asawahin si Steven.” sabi ni Marie.
“Depende iyon kay kuya, pero boto naman ako sayo para sa kuya ko.” sabi ni Ella.
“Bhes sandali, tatawagin ko lang si Kat. Mukhang kanina pa panis ang laway nun.” sabi ni Marie. Pumunta ito sa puwesto nila Eric at Kat at hinila ang babae papunta sa lugar ni Ella.
“Marie, huwag mo hilahin. Pagalitan ka ni Kuya Eric.” natatawang sabi ni Ella.
“Hindi iyan, kilala ko ito si Kat. Ako ang nagligtas dito laban sa rapist niya.” natatawang sabi ni Marie.
“Hindi pa nga pala ako nagpapasalamat sayo.” sabi ni Kat.
Tiningnan ito ni Ella, wala sa mukha ni Kat ang nanlalalaki. Kung hindi mo ito kilala sa Academy, mapapagkamalan mo na mahinhin itong babae. Tipid magsalita at pino kumilos, mas magaslaw pa nga sila ni Marie kung susuriin.
“Okay lang iyon. Kanina ka pa hindi nagsasalita. Wala ka bang friend? Kung gusto mo kami na lang ni Ella at Tiffany. Huwag lang si Patty kasi selosa iyon.” tumatawang biro na sabi ni Marie.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
Storie d'amoreAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...