"Napagod ako doon,ah," humihingal pang sabing ni Kat. Mula fifth floor ng naturang mall, tinakbo niya ito hanggang makarating sa basement parking lot ng mall..
Hindi niya aakalaing sa dinami daming lalaki ang kaibigan pa ni Rod ang nahalikan niya.
"Napaka tanga mo talaga Katherine." sabi niya sa sarili habang sinasabunutan ang buhok niya.
Pumunta siya ng araw na iyon upang makipagkita kay Calix. Si Calix ang sumusustento sa iba niyang luho. Naging boyfriend niya ito isang buwan na ang nakakalipas. Pero nasa batas ng buhay niya na isang buwan lang dapat itatagal ang relasyon niya. Kung hindi mabubuko siya ng mga ito. At ngayon ang expiration ng kontrata nito na ayaw tanggapin ng lalaki dahil malaki ang naipuhunan nito sa kanya at wala pa itong nahihita sa kanya.
Binansagan siyang social climber sa St. Valentine noong unang taon pa lang niya sa paaralan halos hindi niya makayanan ang mga tingin ng mga tao sa paligid niya. Bakit nga ba hindi?
Wala siya sa pamantayan para maging estudyante ng naturang eskwelahan.
Una, hindi siya nakapasa sa entrance exam ng paaralan. Nagtataka din siya sa resulta ng exam niya, pero siguro sa taong katulad niya swertehan lang ang puhunan para makapasa doon. Matalino naman siya, consistent honor student ng elementary hindi siya bumaba sa top 5 pero iyon nga lang, hindi niya makuha ang una at ikalawang pwesto. Sinasabing nasa honor daw siya dahil marunong siyang sumipsip sa mga teacher. Na para sa kanya hindi totoo iyon, kahit kailan hindi siya nangopya sa mga exam nila at matataas ang nakukuha niya kada exam at kahit anong subject pa yan.
Pangalawa, hindi siya mayaman. Kahit kailan hindi niya ipinakilala ang pamilya niya sa mga kakilala at nakikilala niya. Ayaw niyang laitin ang pamilya niya. Na binigyang kahulugan ng mga nakakakilala sa kanya.
Laking squatter siya sa Manila, napadpad sila sa probinsya dahil denemolished ang bahay nila sa Tondo. Pero pagdating sa probinsya mas lalo humirap ang buhay nila. Tindera sa palengke ang nanay niya, magtataho ang tatay niya. Lima silang magkakapatid , at panganay siya sa mga ito.
Ang tatlo sa kanyang kapatid ay ipinagbenta ng magulang sa mga kamag anak nilang hindi magka-anak. Bukod dito nakulong ang ama niya dahil sa pagnanakaw. At ang ina ay nakulong sa pagbebenta ng droga upang matustusan ang pangangailangan nila. Mga bagay na gusto niya itago sa pagkatao niya.
Pinoprotektahan niya ang pamilya sa mapanuring mata ng lipunan, sa mapaglimustang mga tao na hindi alam ang sitwasyon ng tulad nila.
Nakilala niya si LJ o Lukaz Jeremy sa isang concert sa plaza ng probinsya. At dahil kilala ito ng mga tao, aminado siyang pinuntirya niya ang binata sa pag-asam na makapasok at makapag aral sa isang sikat na school. Kinaibigan niya ito, hanggang mahulog ang loob sa kanya. Ang balak lang naman niya ay maging sandalan ito pag nakapasok na siya sa ST. Valentine pero hindi niya akalain na hindi siya makakapasa.
Kailangan niya makapagtapos pero hindi kayang sustentuhan ng magulang niya ang pangarap niya, hindi rin sapat kung magtatrabaho lamang siya. Isa lang naisip niya pero delikado... ang bumiktima ng papatos sa laro niya.
Iyon ang oras na naisip niya na gamitin si LJ, kahit nagdadalawang isip siya. Pero minsan bumisita ito sa bahay nila at hindi niya inaasahan ang ginawa nito. Ibingay nito ang scholarship na laan para sa binata. Alam niyang may gusto sa kanya ang binata pero ni minsan hindi ito nagbalak halikan o may gawin man lang sa kanya.
Doon siya nakapag isip ng ideya, lalaking magbibigay ng luho niya na hindi siya gagalawin.
Nagbago ito ng makilala niya si Rod, magkaibigan ang mga ito maliliit pa lang. Pero noong pumasok siya sa St. Valentine nagbago ang lahat. Nakuha din niya ang loob ni Rod, pero tulad ni LJ kahit minsan hindi nagbalak ng masama sa kanya si Rod. Nagtataka siya sa dalawang lalaki. Doon din siya nakakuha ng ideya, na pwede siya magkapera na hindi siya nagagalaw.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...