Biyernes...
“Ella tapos ka na ba maligo? Baba na tayo para kumain.” sabi ni Marie.
“Parang kulang ang tulog ko.” humihikab pang sabi ni Patty pero nakabihis na ang mga ito at hinihintay na lang si Ella na nahuli sa banyo.
“Nakaka-stress ang mga lalaking iyon. Masakit nga ang ulo ko.” sabi ni Tiffany habang inaayos nito ang kama.
“Ang tagal naman ni Ella sa loob.” sabi ni Marie. Kanina pa iyon sa loob at hindi pa lumalabas na ngayon lang nangyari.
“Katukin mo na kaya. Tutal malapit ka na diyan sa banyo.” sabi ni Patty. Na nahiga uli sa kama.
“Bhes, matagal ka pa ba?” tanong ni Marie habang kinakatok si Ella sa banyo.
“Kanina pa siya diyan?” nagtatakang sabi ni Tiffany. Mag iisang oras na ito sa banyo mula ng pumasok mukha ngang hindi ito natulog mula ng umuwi ito kaninang alas-dos ng umaga galing hospital.
“Try mo kaya buksan.”sabi ni Patty.
“Ayaw. Nakasara sa loob.”sabi ni Marie kinakabahan na ito. Sunod sunod na katok na ang ginawa niya at pinipihit niya ang door knob.
“Huminge ka ng tulong Tiffany. Wala pa namang extra susi iyong banyo.” kinakabahang sabi ni Marie.
“Huwag ka ngang kabahan diyan baka jumejebs lang iyan. Nagko-concentrate ba.” natatawa pang sabi ni Patty pero sa loob nito kinakabahan na rin siya.
“Hindi ganito si Ella. Parang lalaki ito maligo limang minuto lang. At kung may kasama man na pag-jebs. Dagdagan mo lang ng sampung minuto ang limang minuto niya. Oh gets mo? Ilan iyon?” sabi ni Marie na nakuha pang mag-biro.
“Langya ka talaga.” natatawang sabi ni Patty at binato ito ng notebook.
“Hoy bhes. Nagugutom na iyong mga bulate ko sa tiyan. Bilisan mo naman.” sabi ni Marie.
Nang magulat sila ng may tumunog sa banyo.
“Langya, Tifanny tumawag ka na ng tulong.” sumeryosong sabi ni Marie na agad namang tumakbo palabas si Tifanny para huminge ng saklolo.
Dahil alas otso na nun at sila na lamang ang tao sa palapag na iyon. Bumaba si Tifanny para huminge ng tulong.
……
Papunta ang grupo ni Rod sa canteen dahil malapit lang ito sa CluBee napagpasyahan ng tatlo na silipin ang cctv na sinasabi ni Jaycee para sirain. Pero ng papalapit na sila sa naturang building namataan nila si
Tifanny na nagmamadaling bumaba ng hagdan.Nakita ni Tifanny sila Ramon papuntang building ng lapitan niya ito
“Namiss mo ba ako.?” birong sabi ni Ramon kay Tifanny. Ngunit hindi siya nito pinansin.
“Tulungan niyo kami si Ella nasa loob ng banyo hindi pa lumalabas kanina pa.” humihingal pang sabi ni Tifanny sa tatlo.
Nagulat si Rod sa sinabi ni Tifanny. Dali-dali itong tumakbo sa building kasabay ni Tifanny. Nagtinginan sila Dennis at Ramon at sumunod ito kala Rod.
“Marie alis, nandyan na si Rod.” sabi ni Tifanny.
“Bakit siya? Nasaan sila Steven?” sabi ni Marie. Nang biglang naalala na alas otso na at malamang nasa gym na ang mga iyon. Napahawak na lang ito sa batok.
Dagli-dagling pumunta sa pinto si Rod nasa labas sila Ramon at Dennis at hinarangan ni Marie ang katawan sa pinto para hindi makapasok ang dalawa.
"Talagang humarang ka pa." natatawang sabi ni Dennis kay Marie.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomansaAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...