“Ella, nakikita mo ba ang nakikita ko?” sabi ni Marie siniko nito si Ella na busy sa kakasulat ng note. Habang si Marie ay walang tigil sa pag nguya ng maning hubad.
Nasa ValPark sila ng araw na iyon.
“Hoy, Ella itigil mo nga iyan. Hindi ka ba napapagod sa kakasulat. Halos mapuno na ang notebook mo hindi pa man nangangalahati ang school year.” ngumunguyang sabi ni Marie.
“Ikaw ang tumigil sa kakanguya, halos maubos na iyong tinda ni manong sa kakabili ng kinakain mo. Mamaya mag ka pimples ka niyan. Tingnan lang natin kung may mukha ka pang ihaharap sa kapatid ko,” natatawang sabi ni Ella habang nakayuko at hindi pa rin tumitigil sa pagsusulat.
“Hindi ako magkaka-pimples dito, hindi iyon totoo.” Panatag na sabi ni Marie habang patuloy pa rin sa pagnguya.
“Bahala ka sa buhay mo,”natatawang sabi ni Ella.
“Shocks, Ella bitiwan mo na kasi yan. Tingnan mo na iyong sinasabi ko.” Sabi ni Marie na hinablot ang notebook ni Ella.
“Ano ba iyon?” natatawang sabi ni Ella. Alam niyang may nakita na naman itong topic na pagtsitsismisan nila. Tiningnan niya ang mga kaibigan, nagsusulat din si Patty pero ang iba ay nakuwe-kuwentuhan lang.
“Langya naman. Ayan na papunta na sila dito.”sabi ni Marie at sinisiko siya.
“Asar naman marami tao, ituro mo na lang iyong sinasabi mo. Akin na nga iyan” sabi ni Ella na nakatingin sa notebook na kinuha ni Marie
“Tumingin ka na,” sabi ni Marie sabay hawak sa mukha niya at ibinaling siya sa dereksyon na tinitingnan nito.
Mula sa kinauupuan nakita niya ang tatlong lalaking nagtatawanan ngayon at papunta ito sa dereksyon nila. Pero may kasama pa ang mga ito na isang babae, babaeng nakalingkis kay Rod. Mula sa malayo tanaw niya ang magandang babae iyon at hindi siya pwede magkamali ito ang commercial model na si Nicolette Hunter.
“Huwag mong sabihin silang dalawa. Pero hindi malayo bhes kung makalingkis ang babae daig pa ang linta.” Nakangiwing sabi ni Marie.
“Hi, Ella.” Napaigtad si Ella sa tumawag sa kanya.
“Uy, Lance napadpad ka dito. Wala bang painting class ngayon?” sabi ni Marie ng kalabitin din siya ni Lance
“Wala, kaya tatambay muna ako dito,” sabi ng binata at hinalikan sa pisnge si Ella bilang pagbati. Na ikinangiti lang ng dalaga.
Sa di kalayuan nakita ni Rod ang pag halik ni Lance sa pisnge ni Ella. Ni hindi man lang niya nakitaan ng pag disgusto ang dalaga, nakuha pang ngumiti sa humalik dito.
“Ano ba tinitingnan niyo dyan at halos humaba na ang leeg mo Marie.” Natatawang biro ni Lance sabay kuha sa maning kinakain ni Marie.
“Ang tadhana ni Ella. May kaharutan ang mokong.” Nakaismid na sabi ni Marie kay Lance sabay nguso sa direksyon nila Rod.
Tiningnan naman ni Lance ang magiging reaksyon ni Ella pero umiwas ng tingin ang dalaga.
“Gusto niyo sa gym na lang tayo, nag eensayo sila Steven kaninang napadaan ako,” yaya ni Lance sa dalaga
"Sige doon na lang tayo. Para maganda naman ang view. Makikita ko pa si Steven” Excited na sabi ni Marie. Nililigpit na ni Marie ang mga gamit niya, nang may magsalita sa likuran nila….
“Hi Pat. Hi girls. Kamusta pare.” nakangiting bungad ni LJ. At naki pag appear ito kay Lance bilang pag bati. May dala itong box of chocolate na dahilan ng pagbubulungan ng mga estudyante sa paligid.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...