(Just play the theme song for this chapter)
"Muntik na tayo noong Sabado." bulong ni Marie kay Ella nasa Math subject sila ng araw na iyon."Kaya nga, buti na lang nakita mo iyong message ni Kuya Steven." bulong ni Ella. Halos liparin nila noong Sabado ang park papuntang coliseum buti na lang at naka sneakers si Marie at doll shoes naman siya.
Kailangan pa nila magkunwaring dalawa ni Marie na nanggaling sa loob ng coliseum.
"Alam mo bang nagtext sa akin si Kian?" bulong ni Marie.
"Ano naman ang tinext niya sayo?" tanong ni Ella.
"Mukhang patay na patay sayo bhes. Tinatanong niya iyong number mo. Hindi ko nga alam kung saan niya nakuha iyong number ko." kinikilig na sabi ni Marie.
"Hindi pa binabalik ni Rod iyong cellphone ko. Hindi ko nga alam kung nakita na niya." sabi ni Ella.
"Kunin mo mamaya sa kanya. Kasi nagtatanong din si Eric bakit daw hindi ka nagre-reply sa mga text niya." sabi ni Marie.
"Mamaya pagnakita ko siya sa canteen o kaya puntahan kaya natin sa field. Malamang naroroon lang mga iyon nakatambay." bulong ni Ella.
"Marie, Ella!" nagulat ang dalawa sa tawag na iyon ng teacher.
"Yes maam," nakangiting sabi ni Marie. Nahuli silang nag-uusap ni Ella at nakatayo na pala ito sa likuran nila.
"Pasalamat kayo nanalo kayo sa contest, kasi kung hindi doon kayo sa labas tatayo." mataray na sabi ng Math teacher nila.
"Si maam naman, huwag ganoon." sabi ni Marie, nakuha pa nitong ngitian ang teacher na hindi yata marunong ngumiti.
"Tumahimik kayong dalawa isang-isa na lang itatapon ko kayo sa labas." mataray na sabi nito.
'Sorry maam." hinging paumanhin ni Ella.
Nakangiti naman si Marie sa teacher nila na para bang hindi ito natatakot mapalabas. Nang makaalis ang teacher nagsalita uli si Marie.
"Ella, mamaya tawagan natin si Kian sa cellphone ko." kinikilig na sabi ni Marie nakuha pa nitong kumain ng mani matapos sitahin ng teacher.
"Sige. Hindi naman makikita ni Rod iyan kasi cellphone mo naman iyan." nakangiting sabi ni Ella.
Binuksan pa ni Marie ang cellphone nito at ipinakita ang picture ni Kian na kasama silang apat ng bumaba ito sa stage noong concert.
"Marrriiiiiieeee.....Ellllaaaaaa..... get out." malakas na sabi ng teacher sa dalawa na nakatingin pala sa kanila habang kinikilig pa sila.
Nahihiyang lumabas ang dalawa, napatayo sila sa labas dahil sa kaharutan.
"Hehehehe, nasa labas na tayo. Makikita na natin lahat ng picture." nakangiting sabi ni Marie binuksan nito ang cellphone at lumapit sa kinatatayuan ni Ella at sabay nilang tiningnan ang mga picture sa cellphone ni Marie.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomantikAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...