(Just click theme song for this chapter)
Happy 100 Chapters
"Kamusta naman ang pagtulog mo kala Marie kagabi?" tanong ni Steven kay Ella. Nag-uumagahan sila ng mga oras na iyon ni Ella ng mapansin ni Steven mukhang naaantok pa ang kapatid.Sabado ng araw na iyon, alas sais na sila nakauwi ng bahay nila Marie. Kung tutuusin wala pang tulog si Ella dahil saktong alas syete kung saan kapapalit lang nila ng damit ni Marie saka dumating si Steven para sunduin siya.
"Okay lang kuya." mahinang sabi ni Ella. Hindi siya makatingin kay Steven dahil alam niyang nakatitig ito sa kanya.
"Iyong kamay mo napano iyan?" tanong ni Steven ng mapansin nitong nakabenda na naman ang kamay ng kapatid.
"Ito kuya? Ano kasi, nakahawak ako ng bubog kala Marie, hindi ko sinasadyang nabasag iyong plato nila habang naghuhugas ko." paliwanag ni Ella, nananalangin siyang maniwala ang kapatid niya at sana hindi nito tingnan ang kamay niya dahil namamaga iyon sa pagsuntok niya sa salamin.
"Paano ka magsusulat niyan sa school?" tanong ni Steven, nakatingin siya kay Ella pero hindi ito makatingin sa kanya ng deretso.
"Kaya ko naman kuya. Huwag ka mag-alala." sagot ni Ella, hindi naman niya problema ang bagay na iyon dahil kaya niyang magsulat gamit ang kaliwang kamay.
"Sabagay may kaliwang kamay ka naman pala." sarkastikong sabi ni Steven. Alam niyang puwede itong mangatwiran at makakalusot si Ella dahil kahit kanan ang naka bandage na kamay nito, marunong naman ito magsulat kanan man o sa kaliwa.
Napansin kasi ni Steven na kanina pa sinusubukan ni Ella gamitin ang kanan nito sa pagsubo gamit ang kutsara at mukhang nahihirapan ito.
"Anong oras kayo natulog kagabi ni Marie?" tanong ni Steven, na hindi pa rin makatingin si Ella sa kanya.
"Maaga kuya." tipid na sagot ni Ella, alam niyang nanghuhuli ito sa posibilidad na ginawa nila ni Marie kagabi.
"Okay. Kaya siguro hindi ko matawagan alinman sa cellphone niyong dalawa." sabi ni Steven. Ilang araw na rin niyang hindi makontak ang cellphone ng kapatid, pati ang mga message niya dito hindi nito sinasagot.
"Kuya." tawag ni Ella, naisip niyang sabihin na nawawala ang cellphone niya para hindi ito manghinala lalo.
"Bakit?" seryosong tanong ni Steven ng balingan nito si Ella.
"Nawawala kasi iyong cellphone ko ilang araw na. Hindi ko sana sasabihin sayo kasi baka magalit ka." sabi ni Ella sa kapatid na nagbago ang itsura mula sa seryoso, ngumiti ito.
"Okay." sabi ni Steven. Sinusubukan lamang nito ang kapatid kung sasabihin nga nito ang bagay na iyon dahil matagal na niyang alam na wala itong cellphone.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...