Kabanata 31

438 26 1
                                    


Dalawang araw niyang hindi nakita ang pinsang si Dennis, wala tuloy siya maasar at mahingan ng pera. Ang pinsan lang ang bukod tanging kasing edad niya ang kasundo ng dalaga. Mainit ang panahon ngayon dahil wala pa ang teacher nila umupo muna siya sa ValPark. Maraming estudyanteng nakatambay ng araw na iyon.

Lahat ay may grupo maliban sa kanya, may mga kaibigan naman siya sa St. Valentine, pero alam niyang pinakikisamahan lang siya ng mga ito dahil isa siya sa anak ng may-ari ng paaralan at pinsan niya ang guapong si Dennis.

Dalawang rason lang naman ang iniisip niya para kaibiganin siya ng iba, ang pagiging mayaman niya at ang mapalapit sa lover boy niyang pinsan.

Nagsusulat siya ng notes pero naboboring na siya sa ginagawa kailangan niya may gawin sa araw na iyon. Kilala siyang brat sa Academy kaya pinaninindigan niya ang pagiging isang bitch na babae.

Naiinip na talaga siya at kailangan niya ang pinsan para may makulit siya. Dala pa niya ang mamahalin at paboritong ballpen ng maisipang tumayo at maglakad na lamang. Nang sa kanyang paglalakad nabunggo niya ang isang lalaki.

"Stupid moron, are you blind?" maarteng sabi ni Joyce. Dahil dala pa niya ang ballpen at papel na pinagsulatan niya ng notes nahulog ito sa pagbunggo niya sa binatang nakasalubong.

"Ay, sorry ate. Nagmamadali po kasi ako," sagot ng lalaking may hawak pa na mga libro sa kamay.

"Anong ate? Hey, for your information bata pa ako. I'm only 14yrs old. The nerd." Napipikang sabi ng dalaga.

"Sorry 'te kasi kailangan ko ng umalis," sagot ng binata na hindi man lang siya magawang tingnan na lalong ikinaasar ni Joyce.

Siya lang naman ang babae sa campus na tititigan mo habang mapapadaan sa harapan mo. Hindi niya hahayaang hindi siya papansinin ninuman. Bawat paglakad niya sinisigurado niyang lahat ng mata nakatutuk sa kanya. Katulad ng araw na ito kanina pa siya pinagmamasdan ng mga estudyante.

Pero ang isang ito na nasa harapan niya ni hindi man lang makuhang tingnan siya.

"Bulag ka ba talaga. Hindi mo ba ako kilala?" nakaismid na sabi ni Joyce pinamaywangan niya ang lalaking nasa harap at mukha talagang wala siyang balak sulyapan man lang.

"Pinipikon mo ako ha. Makikita mo."sabi ni Joyce. Pero sa gulat niya bigla siyang tinalikuran ng lalaking nabunggo niya.

"Stupid nerd, huwag mo ako tatalikuran pag kinakausap kita. Do you understand? Saka may nakalimutan ka. Abutin mo iyong gamit kong nahulog mo." Mataray na sabi ng dalaga. Nakakakuha na sila ng atensyon at gusto ni Joyce iyon. Natutuwa siya pag nakatingin sa kanya mga tao sa paligid niya.

Kilala ng binata si Joyce, kung may babaeng bully sa school ang dalaga na iyon. Pinsan ito ni Dennis ang football player ng Academy. Binansagang spoiled brat, laki sa layaw, at ang nag iisang prinsesa ng Academy. Sumali rin ito sa Ms. St. Valentine, na napanalunan nito. Hindi dahil kilala at mayaman ito. Dahil magaling ito sumagot at rumampa. Pang beauty queen ang ganda at dating ni Joyce.

Kahit nga nasa corridor, catwalk at kalsada kahit parking lot ng Academy mukha itong nag momodel kung maglakad. Kaya naman hindi mo maikakailang lahat ng tao ay napapalingon dito.

Pero wala siya sa mood para tingnan ang dalaga or hindi niya talaga magawang titigan ito. Siya ang tipo ng lalaki na tumitingin kung sino lang ang nagugustuhan niya at hindi ito iyon. Wala siyang oras para sa spoiled brat na ito, na alam lang gawin ay magsuot ng mamahaling damit at alahas, mag display ng branded na mga gamit at rumampa maghapon para mapansin sa paaralan.

"Sabi ko kunin mo iyong papel at ballpen na nahulog mo." Pasigaw na sabi ng dalaga. Naiinis na siya sa lalaking kausap. Sa ilan taon niyang pag aaral sa academy ngayon lang siya hindi pinansin. At Nerd pa. Nakasalamin ang lalaki sa harapan niya. Hindi niya ito kilala o dahil wala naman siya pakialam sa iba, basta ang naisip ng dalaga kilala siya ng lahat.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon