"Saan ka nanggaling? Bakit namumugto ang mga mata mo?" nagtatakang tanong ni Dennis, papunta sana siya na Locker Room na ka-building lamang ng Music Room kung saan nanggaling si Kat.
Namumugto pa ang mga mata niya at hindi niya pa rin maiwasan pigilan ang pag tulo ng mga luha. Pakiramdam niya umaalingawngaw ang mga sinabi kanina ni LJ sa kanya.
"Ikaw pala? Wala may naalala lang ako." umiiwas na tingin si Kat. Ayaw niya munang makipag -usap kahit kanino. Gusto niya mapag isa at mag isip. Maglalakad na sana siya at tatalikuran si Dennis ng hawakan siya nito.
"Hindi pwedeng wala. Eh, kitang kita sa mukha mo na may nakasakit sayo." asar na sabi ni Dennis.
"Kung meron nga. Ano bang pakialam mo?" mataray na sagot ni Kat.
Mula ng araw na iwan niya ito sa resthouse ng binata, halos hindi na siya nito tinigilan. Inalam nito ang cellphone number niya, ultimong tinitirhan niya alam na ni Dennis.
"May pakialam ako. Remember, ako ang bago mong karelasyon ngayon. Kaya may karapatan akong alamin ang mga nangyayari sayo."galit na sabi ng binata.
"Hindi kita karelasyon Dennis. Tigilan na muna natin ito. Kalimutan mo iyong inaalok ko sayo sa rest house mo." Inis na sabi ni Kat
"Sige ganito na lang. Bayaran mo ako ng isang milyon, tapos hindi na kita kukulitin at kahit kausapin. Kahit sulyap ko, hindi ko ibibigay sayo." nakangising sabi ni Dennis.
"Anong isang milyon? Bakit ako magbabayad sayo ng isang milyon?" nagtatakang tanong ni Kat. Gusto na niyang umalis pero nagulat siya sa sinabi nito. Mukhang dadagdagan pa ng binatang nasa harapan niya ang bigat ng problema at nadarama niya.
"May utang ka sa aking isang milyon. At babayaran mo ako ng cash ngayon mismo."sabi ni Dennis habang naka titig kay Kat.
"Paano ako nag kautang sayo? At isang milyon talaga?" naguguluhang sabi ng dalaga. Naiisip niya mukhang may ginawa ito na hindi niya nalalaman.
"Tingin mo, bakit pagkatapos ng nangyari sa ValPark hindi ka na ginulo ni Calix?" maangas na sabi ni Dennis.
Napaisip si Kat. Mula ng araw ng insidente na iyon sa park. Inaakala niyang pagkatapos ng klase niya ng hapong iyon may mag aabang sa kanya sa labasan ng Academy. Pero wala man lang siya nakita kahit isa.
Sa mga sumunod na araw, ipinagtataka niya na walang Calix na tumatawag, wala na rin ang mga tauhan nitong sumusunod sa kanya.
"Binayaran mo si Calix, ng isang milyon para sa akin?" gulat na tanong niya dito.
"Yes my dear Kat. Ang mahal pala ng isang buwan mo." Nakangising sabi ni Dennis.
Nang araw na iyon pinuntahan ni Dennis ang lalaking humahabol kay Kat. Inalam niya ang lahat ukol sa lalaki. Mula sa family lawyer nila kinausap nito ang nasabing lalaki para tantanan ang pangugulo kay Kat. Huminge si Calix ng isang milyon na ikinagulat ng abogado niya. Pero dahil gusto niya matapos ang namamagitan kay Calix at Kat binayaran niya ito mula sa sariling bulsa.
Alam ni Dennis na magsasalita ang abogado sa parents niya. Kaya binigyan niya ito ng isang milyon para tumahimik ito. Dalawang milyon ang inilabas niyang pera para sa kalayaan at katahimikan ni Kat.
"Hindi ko sinabing bayaran mo siya." galit na sabi ng dalaga. Kilala niya si Calix negosyante rin ito at may mga ilegal itong negosyong pinapatakbo. Hindi ito basta basta magpapatalo.
"Huwag kang mag-alala. Hindi ka na guguluhin ng lalaking iyon. Pinasara ko ang isang bar na pag-aari niya. At isusunod ko pa ang iba niyang illegal na negosyo, pag hindi ka pa niya tinigilan. " galit na sabi ni Dennis.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...