Kabanata 52 -SPG-

381 23 1
                                    


Kakatulog lang ni Ella ng may naramdaman siyang kakaiba, minulat niya ang kanyang naantok na diwa at nasilip na mukhang madaling araw pa lang. Mukhang wala pa siyang isang oras na tulog. At dahil naaantok pa talaga siya kaya nakatulog siya uli at hindi na pinansin ang parang aninong pumasok sa bintana.

"Damn," galit na mura ni Rod, lahat ng mahawakan nito ay inihahagis. Pumunta na siya sa La Secretos para magpakalunod sa alak, pero parang hindi tumatalab kahit anong tapang ng alak ang inumin niya. Ilang babae na ang naikama niya sa club, pero hindi pa rin mawala sa isip ang nangyari kanina.

Napagpasyahan niyang umuwi na lang sa mansyon at ituloy uli ang pag-inom baka sakaling makatulog na siya. Pero nakailang bote na siya hindi siya dalawin ng antok. Kaya napagpasyahan niyang umalis na lamang at sulusyunan ang dahilan ng problema niya.

Bumaba si Rico para uminom sana ng tubig nang mapansin ang kakambal na nasa minibar, mukha itong wala sa sarili lalapitan niya sana ito ng bigla itong lumabas. Sinundan ito ni Rico pero dali dali nitong pinaandar ang motor. Napansin niya ang nakapark na sasakyan ni Rod pero yupi ang harapang bahagi nito.

Nasa harapan siya ng bahay nila Ella, alas dos na ng madaling araw at tahimik na sa lugar na iyon, pero dahil may naaninagan pa siyang ilaw sa bintana ni Ella, tinanaw niya iyon kung bukas. Pinag-aralan niya kung paano makakapunta roon ng hindi siya napapansin.

"Shit, ang taas naman."lasing na sabi ni Rod. Humawak siya sa balustre, ngayon niya nararamdaman ang epekto ng mga nainom niya. Kahit nahirapan siya umakyat nagawa pa rin nitong makapasok sa kuwarto ng dalaga.

"Hmmph, sabi ko sayo huwag mo ako gagalitin, kasi iba ako magalit,"lasing na sabi ni Rod. Naabutan nitong mahimbing ng natutulog ang dalaga. Patuloy niya itong kinausap kahit hindi naman siya naririnig.

"Hindi mo ako pinapatulog. Ano bang meron ka at ganito ang epekto mo sa akin? Sabi ko naman hindi ikaw ang tipo kong babae, pero para kang droga sa katawan ko. Fuck, Ella makakapatay ako ng dahil sayo."sumusuray na itong lumapit sa kama ni Ella at umupo roon.

Mukha namang hindi naramdaman ng dalaga ang presensiya niya, malamang katutulog lang nito.

"Nakakaasar ka. Hindi ko alam kung ginayuma mo ba ako. Kahit yata doctor hindi ako kaya gamutin."galit na sabi ni Rod. Tiningnan niya si Ella, na mukha pang humihilik nakabukas pa ang mga labi nito na mukhang nasa kahimbingan ito ng pag tulog.

"Dahil ayaw mo akong patahimikin. Dito ako sa tabi mo matutulog. Huwag ka mag alala hindi kita gagalawin, matutulog lang ako. Sigurado dito lang ako puwede dalawin ng antok,"lasing na saad ni Rod at nahiga sa tabi ni Ella. Niyakap nito ang dalaga na gumanti lang ng yakap sa kanya.

"Damn it, sweetheart. Huwag ka masyado malikot baka masanggi mo si junior, masama iyan magalit."nakangising sabi ni Rod at gumanti ng yakap sa dalaga. Hindi nito namalayan na naktulog din ito.

Biglang naalimpungatan si Ella dahil sa alarm ng orasan niya. Hindi niya pala ito na-off bago matulog kaya napabalikwas siya ng bangon, subalit may nasanggi siyang katawan na ikinagulat niya.

Muntik na siyang mapasigaw ng makita si Rod sa kama niya, kinapa niya ang sarili. Nang maramdaman na kompleto pa siya bigla nitong niyugyog ang binatang katabi.

"Rod wake up. Arghhhh, lagot ako kala kuya pagnakita ka nila dito. Paano ka ba nakarating dito?."kinakabahang sabi ni Ella. Tumingin ito sa bintana at naalala na hindi niya pala naisara iyon.

"Rod, gumising ka na. Malaking gulo ang pinasok mo." naiiyak na sabi ni Ella.

"Bakit ba tuwing kasama kita laging ganito nararamdaman ko? Para akong nababaliw at hindi ko alam kung anong una kung mararamdaman. Parang awa mo na tumayo ka na at umalis ka na."kinakabahang sabi ni Ella. Pero mukhang mahimbing ang tulog ni Rod.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon