“ Ano ba iyan, kung hindi umuulan sobrang tirik naman ng araw. Saan ko ba hahanapin iyong lalaking iyon?” sabi ni Ella sa sarili habang naglalakad sa kainitan ng araw.
Papunta siya ngayon ng football field para hanapin si Dennis. Ito kasi ang ibinagay na toka sa kanya ng Valentine Magazine na iinterbyuhin para sa article niya. Balak pa nga sana niya makipagpalit pero inunahan na sila ni Maam Luz, na bawal ang palitan.
Hindi rin napunta kay Marie ang pag iinterview sa Kuya Steven niya. Nakatoka ito kay Eric. Ayaw nga ng kuya Steven niya ang pag iinterview na gagawin niya kay Dennis, pero wala rin ito magawa dahil parte ito ng Journalism nila.
Nasa kalagitnaan siya ng field at nag iisip nang hindi napansin ang bolang paparating sa kanya. Namalayan na lang niya nang may humila sa kanya na dahilan ng pakakahiga kasama ng humila sa kanya.
Nasa ibabaw siya ng katawan nito. Habang nakayakap ito sa kanya. Pagmulat ng mata ni Ella hindi siya makasalita ng masilayan ang guapo nitong mukha sa malapitan at ngiting nakakaakit.
“Ella mukhang nag-eenjoy ka sa nakikita mo. Wala ka bang balak tumayo?” nakangiting sabi ni Rod sa kanya.
Namula si Ella sa tinuran nito, napabalikwas siya at dagli dagling tumayo.
“Bakit mo ako hinatak at niyakap?” Nauutal niyang sabi kay Rod. Habang pinapagpagan ang uniform niya.
Nahihiya siya at baka nakitaan siya, naka cycling naman siya ng kulay black pero maiksi lamang na panloob.
“Hayaan mo hindi ka nila makikitaan? Marunong ako magtago” pilyong sabi ni Rod.
Napansin ni Rod na parang kinakabahan si Ella.
“Bakit ka kasi nang hatak,” depensa ni Ella na idinaan sa pagtataray.
Tiningnan niya si Rod sa gagawin nito, kinuha nito ang bola at binigay sa mga kasama.
Ngayon lang ni Ella napansin na naka uniform pala ito ng pang football na may nakalagay na Valentino Panthers. Ang uniform ng football varsity ng St Valentine Academy.
Napahiya naman siya sa ginawi, malamang muntik na siya matamaan ng bola at iniwas siya nito. Pero hindi siya nagpahalata at nagkunwari na hindi siya affected ditto.
“Bakit ka andito? Kasagsagan ng training namin. Sawa ka na ba sa basketball team? At andito ka ngayon sa team ng football?” nakangising sabi nito
“Hindi no. hinahanap ko si Dennis.” Sabi ni Ella na luminga linga pa sa paligid at baka makita ang hinahanap.
Kaya hindi napansin ni Ella ang pag kunot ng noo ni Rod. Hinatak si Ella ni Rod paalis sa field, habang hindi pa ito nakikita ni Dennis.
“Ano ba? Bakit mo ba ako hinihila,” asar na sabi ni Ella dito.
Nakalayo sila sa field sa bilis ng paghila nito sa kanya.
“Wala si Dennis. Ano kailangan mo sa kanya?” seryosong tumingin ito sa kanya.
“Wala ka na doon?” asar na sabi ni Ella.
“Anong wala, ka team ko siya, kaibigan so may pakialam ako. Malay ko ba kung may masama kang balak,” sagot ni Rod dito.
Dinahilan lang ni Rod iyon para magsalita si Ella sa balak nito kay Dennis.
“Siya lang naman kasi ang nakatoka kong interbyuhin, para sa school paper. Okay na ba iyong sagot ko?” nakataas na kilay na sabi ni Ella.
Naasar na siya dito halos hatakin siya palayo sa field. Nahirapan pa naman siya lakarin iyon tapos ibabalik lang siya ng lalaking ito sa pinanggalingan niya.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomantizmAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...