Malayo pa lang dinig na ang hiyawan at sigawan ng mga estudyante sa gym ng St. Valentine Academy. Maririnig mula sa labas ang sikat na kanta ng BTS, isang boy group na sikat sa Korea.May paconcert kasi ang Valentine Artist Guild na pinamumunuan ni L.J o Lukaz Jeremy, siya rin naman ang pinaka sikat na talent ng samahan.
Pinilit ni Marie na isama ang barkada nila pero si Ella at Patty lamang ang kasama niya ngayon. Sa dami ng tao at excited ang lahat, malamang hindi na sila pansinin ng ibang barkada nila, na nawawala na ngayon sa dilim, at ingay. Nagmukhang disco ang concert ng naturang ang Artist Guild. Halos hindi magkarinigan ang mga tao sa loob ng gym sa sobra dami ng tao.
Alas siyete pa lang pero mukha ng hatinggabi sa ingay na parang nasa disco. Nagpunta sila sa concert para may maitampok sa article nila sa Entertainment Section ng St. Valentine Magazine.
"Kaasar ka naman Marie, dapat hindi na lang ako sumama. Ang daming tao," suyang sabi ni Ella.
Ayaw talaga ni Ella ng maraming tao, pero wala siya magagawa ito lang ang pagkakataon na makuha ang oras ng iinterbyuhin nila. Mas nanaisin sana niya kung sa unahan sila puwesto para hindi siya masyado mahilo.
"Malamang bhes, concert ito. Kailan ba nilangaw ang concert ni L.J"wika ni Marie na halos umiindak pa kasabay ng tugtog ng BTS.
"Pag ikaw talaga nakaisip sigurado may leakage eh," pasigaw na sabi ni Ella para marinig ni Marie.
"Mag-enjoy ka na lang. Pasalamat ka nakapunta tayo dito at pinayagan ka dahil sa akin,"sabi ni Marie at ngayon naman ay sumasabay sa kanta ng boy group.
"Sabi ko sayo papicturan na lang natin kala Macoy ang concert. Then tayo na lang mag interview kay LJ bukas."angil ni Ella kay Marie.
"Sira. Mas maganda makikita mo itong mismong event para pagnagsulat tayo. Feel na feel natin. Kung sila Macoy lang ang magsasabi kahit tomboy iyon, puro kilig lang ang maririnig mo doon," sabi ni Marie na walang tigil sa pagsayaw.
"Nahihilo ako sayo Marie. Pwede bang tumigil ka muna sa kakasayaw. Para kang uod," sumabat na si Patty dahil hindi nito makayanan ang ingay at gulo sa loob.
"Ewan ko sa inyong dalawa, mga manang kasi kayo. Alam niyo ba kung gaano kasikat ang BTS." Natatawang sabi ni Marie.
"Baliw, si LJ pinuntahan natin dito. Hindi ang kanta ng BTS."naaasar na sabi ni Patty.
"Ganoon na rin iyon. Pagnakita niyo si LJ. Para mo na rin nasabing kasama siya sa grupo ng BTS,"kinikilig na sabi ni Marie.
Elementary pa lang sila kilala na ang Valentine Artist Guild, isa ito sa dahilan kung bakit marami gustong makapasok sa naturang school.
Bukod sa may mga sikat na artista ang nagmula dito. Hindi matatawaran ang pagpili ng miyembro ng naturang samahan.
"Buti Ella natatagalan mo iyan si Marie. May sayad yata,"nakasimangot na sabi ni Patty.
"Sira kaibigan mo rin iyan," sabi ni Ella kay Patty sabay siko dito.
"Ewan ko sa inyo, punta lang ako sa comfort room. Mukhang nabibinge ako, saka nag oily na ang mukha ko sa sobrang dami ng tao,"paalam ni Patty.
"Sige dito lang kami. Babantayan ko ito si Marie. Mahirap na baka magkalat at siya pa ang maging headline sa St. Valentine Magazine."sigaw na sabi ni Ella kay Patty habang papalayo ito.
"Oo, babalik ako. Huwag kayo aalis sa pwesto niyo. Huwag mo iwan ang isang iyan, delikado," naiiling na pasigaw na sabi ni Patty kay Ella.
Habang si Marie mukhang hibang na sa nagaganap.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
Storie d'amoreAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...