"Steven,Steven. Andyan ka ba sa loob anak," sunod sunod na katok sa pinto ni Aling Lilian sa anak.Naalimpungatan si Steven sa katok na iyon. Tiningnan niya ang relo ala una pa lang ng madaling araw. Nakatulugan niya ang pag rereview. Dahil graduating siya mas marami ng projects, assignments at research papers ang ginagawa nila. Halos pinagkakasya niya ang schedule pati ang pag papractice ng basketball.
"Ma, pasok." Napaupo siya sa kama habang inaayos ang nagkalat ng libro sa lapag na nasa may paanan niya.
Nagmamadali at parang hindi mapakali si Aling Lilian. Mukha itong kinakabahan.
"Steven anak. Wala pa si Ella. Hindi mo ba siya nakita sa eskwelahan niyo?," halos naiiyak na sabi ng ina ni Steven.
Kanina pa siya sa loob ng kwarto. Nakakalimutan na rin niyang i-check ang kapatid tuwing dumarating siya, sa dami niyang ginagawa sa eskwelahan. Pero ngayon lang niya naisip si Ella.
Nang dumating siya ng alas otso kanina ng gabi. Walang Ellang sumalubong sa kanya. Inakala niyang tulog na ito sa kwarto kaya hindi na niya ito pinuntahan o naitanong sa magulang. Hindi na rin nga siya nakakain dahil sa pagod.
"Bakit ma? Wala pa ba si Ella?" nagtatakang tanong ni Steven.
Bumangon ito at nag ayos ng sarili."Akala ko kanina nasa kwarto na niya at nag aaral lang. Anong oras na rin kami dumating ng papa mo mula sa grocery natin. Nagtataka ako hindi siya lumabas simula ng dumating kami. Nang icheck ko sa kwarto niya. Wala pa siya anak. Baka napaano na si Ella natin," umiiyak na sabi ni Aling Lilian.
Dali daling kinuha ni Steven ang cellphone niya. Napamura siya ng mahina ng malaman na lobat iyon.
Agad agad niya itong sinaksak para ma-icharge. Maya maya nagbukas ito at mahigit sa 10missed calls, at ilang messages galing sa number ni Marie. Naisip niya nagpaalam pala ang dalawang dalaga na magpapalit ng naturang cellphone.
Binuksan iyon ni Steven. Kay Ella nga galing ang lahat ng mensahe mula alas kuwatro, may message na sa kanya si Ella. Pero hindi niya nakuhang buksan kanina ito sa pag-aakalang kung sino lamang. Inuna niya ang rush na research paper na ginagawa niya.
Ang huling message nito ay alas nueve kung saan nagsasabi itong uuwi na siya. Napamura uli si Steven sa naisip ilang oras na nakalipas mula nang huling mensahe nito. Nagmamadali siyang nagbihis at kinuha ang susi ng sasakyan ng ama.
"Ma, huwag mo ng gisingin si papa. Hahanapin ko lang si Ella. Sarado mo iyong bahay. Huwag ka lalabas. Dadalhin ko na lang itong cellphone ni papa," nagmamadaling bilin ni Steven sa ina na umiiyak pa rin sa pag-aalala kay Ella.
Halos patakbuhin ng matulin ni Steven ang sasakyan. Mula ng magsimula ang regular classes hindi na niya madalas makamusta ang bunsong kapatid. Kahit sa eskwelahan, ni hindi niya ito makamusta at mapuntahan.
Naguiguilty siya sa mga nagdaang araw, ni hindi man lang niya makasama ang kapatid kahit mag mall man lang na madalas nilang gawin sa pagbobonding.
Ilang minuto lang nasa harapan na siya ng gate ng St. Valentine. Napakalawak ng lugar ng paaralan. Halos sa ilang taon niyang pag aaral doon ni hindi pa niya ito nalibot.
Kung patatayuan nga ito ng subdivision marami ka ring bahay na mapapatayo sa espasyo nito. May isang floor ang paaralan na pwedeng tulugan ng mga kinagabing estudyante at guro. Nagagamit iyon sa panahon ng mga training o may rush na project ang isang samahan o grupo sa eskwelahan. Dito lang niya naiisip pumunta si Ella. Dahil nakita naman niya si Marie kanina na maaga umuwi dahil may sakit ito.
"Magandang umaga po. Guard, pwede pumasok. Hahanapin ko lang sana ang kapatid ko. Dito siya huling nanggaling," Sabi ni Steven sa dalawang guard na nag uusap.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomansaAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...