"Bhes ok ka na ba talaga? Wala ng masakit sayo. May dinaramdam ka ba?" makulit na tanong Marie kay Ella habang kumakain ito ng maning hubad."Oo naman Marie, ayokong umabsent. Saka ihahatid sundo naman na ako ni Kuya Steven. Hindi na rin ako magpapagabi. Saka andyan ka naman lagi sa tabi ko." Pilit na ngumingiting sabi ni Ella..
Lunes. Kahit nakakaramdam pa siya ng takot at sakit ng katawan pinilit niya ang kuya niya at magulang na pumasok siya kaysa naman magmukmuk siya sa bahay. Mas maaalala lang niya ang mala demonyong tawa ng mga lalaking muntik na gumahasa sa kanya.
"Bhes, sorry kung sinamahan kita sana maaga tayo nakauwi. Hayaan mo andito lang ako sa tabi mo. Kahit hindi mo na ako kinakausap mula kanina at parang nakatulala ka lang diyan."sabi ni Marie at niyakap siya nito.
"Ano ka ba Marie? Ok lang ako. Gusto ko lang talaga na tahimik muna."mahinang sabi ni Ella.
"Ouch. Sige kahit nasaktan ako sa sinabi mo na parang ayaw mo sa akin, dahil maingay naman talaga ako. Pagbibigyan kita mag isa. Pero huwag kang lalayo kung nasaan ako. Makikipagkwentuhan lang ako kala Macoy," sabi ni Marie. Sabay takbo sa kabilang mesa kung nasaan andun sila Macoy.
Ayaw niya sana iwan si Ella pero mukhang matamlay at ayaw magsalita nito mula ng kaninang pumasok. Nararamdaman niya ang bigat at trauma na nangyari sa kaibigan. Maya maya nagulat sila ng may tumawag sa pangalan ni Ella.
"Excuse po dito po ba naka room si Ella Mae Tuazon?" tanong ng batang babae na mukhang kasing edad lamang nila.
"yes, at bakit mo hinahanap kaibigan ko?" sagot ni Marie ng marinig ang tanong nito.
"Pinatatawag po siya sa admin may gusto daw po kumausap sa kanya?"sabi ng batang babae.
Bukod kay Marie, si Patty lamang ang nakakaalam ng nangyari kay Ella. Napatingin ang dalawa sa pwesto ni Ella na pinagpapawisan ng malapot. Nilapitan ito ni Marie at Patty.
"Ok ka lang Ella," nag aalalang tanong ni Patty dito.
"Ok lang ako. Pupunta na ako." Akmang tatayo ito ng pigilan ito ni Marie.
"Wait lang tatawagan ko muna si Steven. Dapat may kasama ka doon. O kung gusto mo ako na lang. Hindi ka pwede mag isa lang na pupunta doon." Sabi ni Marie na dali daling kinuha ang cellphone sa bag.
"Huwag na lang Marie, ok lang ako. Huwag mo na sabihin kay kuya. Baka sa journalism lang iyon or sa pinapagawa sa math department." Sabi ni Ella na pinigilan si Marie sa pag tipa ng number ni Steven sa cellphone nito.
"Ella, kinakabahan din ako sayo. Mukha kasi wala ka pa sa sarili mo. Para kasi kakaibang Ella ka. Sasama na rin ako para mapanatag tayong lahat." Hindi mapakaling sabi ni Patty.
Mula ng pumasok si Ella napansin na nito. Na parang tahimik at malalim ang iniisip ng kaibigan. Napansin din niya na kahit kaunting ingay para itong nagugulat.
"Kaya ko ito, sa admin lang naman iyon. Sa katabing building lang iyon," paniniguradong sabi ni Ella sa dalawa.
"Mga ate matagal pa po ba? Kasi po nagtetext na po iyong Admin." Inip na tanong ng batang babae sa may pinto.
"Atat ka lang 'te. Maghintay ka, sandali lang." inis na sabi ni Marie dito.
"hoy ano ka ba Marie. Isumbong ka niyan sa admin," awat na sabi ni Patty kay Marie na wala pa ring tigil sa pagnguya ng hubad na mani.
"Sige na Marie, Patty. Alis na ako." sabi ni Ella pero bakas ang lungkot sa mukha ng dalaga.
Niyakap si Ella ng dalawang kaibigan. Gusto niya umiyak pero kanina pa niya pinipigilan. Kahit sa bahay nila pinipilit niya maging okay siya sa harap ng pamilya. Pakiramdam niya, hindi siya ang dating Ella. Bumitaw siya dalawa bago pa tuluyang umiyak. Naglakad at hindi na lumingon sa dalawa.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...