"Sino naman ang binisita mo?" natatawang sabi ni Eric. Nasa likuran nito sila Patty at Tiffany.Sinulyapan ni Rod ang dalawang babaeng kasama nila Steven. Bago ito sumagot.
"Sa tingin mo sino?" maangas na sagot ni Rod kay Eric.
"Patty, Tiffany pumunta na kayo sa kuwarto niyo, gabi na."sabi ni Steven. Alam ni Steven kinakabahan ang dalawang babae kaya pinapasok na ito.
Hinintay muna ng mga ito makapasok ang dalawa bago binalingan si Rod.
"Alam mo, ang angas mo talaga?" naiiritang sabi ni Eric. Nilapitan nito si Rod na hindi man lang ito natinag sa pagkakatayo.
"Problema mo iyon 'tol kung naaangasan ka sa akin."nakangising sabi ni Rod at nakuha pa nitong tingnan sila Lance at Steven.
"Tangina ka." napipikong sabi ni Eric at sinuntok nito si Rod.
Alam ni Rod na susuntukin siya nito kaya nakahanda siya doon. Kahit nasapol siya sa suntok nakuha pa rin nitong ngisian ang tatlo.
"Oh paano ba iyan Lance. Ako naman ang nag-iisa. Ito na hinihintay mo, ang makaganti. Pero iyan ay kung kaya niyo akong tatlo." mayabang na sabi ni Rod. Kumukulo ang dugo niya sa tatlong lalaking kaharap lalo pag itinatago ng mga ito sa kanya si Ella.
"Iyan ba ang gusto mo? Pagbibigyan kita." sabi ni Lance at sinuntok nito si Rod sa sikmura.
Nakatingin lang si Steven sa dalawang kasama. Wala siyang balak pigilan ang mga ito sa gagawin kay Rod.
At siya mismo ay gaganti rin para sa kapatid niyang pinag- lalaruan nito.
................
"Marie may gulo sa labas. Sila Steven at Eric naabutan si Rod pababa ng hagdan." natatakot na sabi ni Patty.
Kinuha naman ni Tiffany at cellphone. Nasa isip nito kailangan niyang tawagan si Ramon para kunin si Rod.
"Shit Tiffany. Anong ginagawa mo?"nagtatakang sabi ni Marie, hindi rin niya alam ang gagawin. May cctv sa labas pag nakita iyon ng admin sigurado disqualified ang apat sa tournament.
"Tatawagan ko si Ramon. Para kunin niya si Rod." nanginginig na sabi ni Tiffany. Wala na siyang ibang maisip na paraan.
"Hindi mo puwede tawagan si Ramon. Lalo magkakagulo."sabi ni Patty na kinuha ang cellphone ni Tiffany pero hindi nila alam nasagot na iyon ni Tiffany kaya narinig sa kabila ang sinabi nila.
"Bakit mo kinuha? Kausap ko na si Ramon sa kabila?"kinakabahang sabi ni Tifanny at nagtinginan silang tatlo. Pinatay ni Tifanny ang cellphone kahit may tinatanong pa si Ramon sa kabila.
"Sino ba puwedeng tawagan?"tanong ni Patty at chineck nito ang cellphone . Hindi niya rin puwede tawagan si LJ ayaw naman niya madamay ito at sigurado makikisali lang din ito sa gulo.
"Alam ko na. Si Jaycee, nasa Council Room siya ngayon. Kaso nasa kabilang building pa iyon."sabi ni Marie na sinulyapan si Ella na parang magigising na ito.
"Tawagan mo na si Jaycee."sabi ni Patty.
At dali-daling tinawagan ni Marie ang cellphone.
"Shit, busy iyong cellphone."sabi ni Marie. Sinulyapan muli nito si Ella. Alam niyang gigising na ito. Hindi nila maiwasan hindi gumawa ng ingay. Kinakabahan na rin sila.
Sinilip ni Tifanny ang labas. Pero wala doon ang apat.
"Marie, wala na sila sa labas." sabi ni Tifanny.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...