Kabanata 118: Flashlight

258 21 7
                                    


(Just click the theme song for this chapter)

(Just click the theme song for this chapter)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

3rd day Armastus Cave,
3:30pm El Paradiso


"Sa wakas nakarating din tayo." masayang sabi ni Tiffany. Pinagmasdan niya ang lugar at isang napaka gandang tanawin ang nakikita niya. Ang akala niya isa lang itong pangkaraniwang kuweba pero ang kuwebang sinasabi ay may yamang tubig na karugtong ng karagatan.

"Sasakay tayo ng bangka, para makarating sa loob. Pagdating doon maglalakad tayo para makita na natin ang pinakasentro ng kuweba." nakangiting sabi ni Ramon kay Tiffany. Nakapunta na siya sa lugar na ito pero hindi sa pinaka sentro ng kuweba.

"Ilang minuto bago tayo makapasok sa pinaka loob ng kuweba?" tanong ni Patty kay LJ.

"Labinlimang minuto lang. Sabi nila may bukal daw sa loob ng kuweba." sabi ni LJ , hindi pa rin siya nakakapasok sa loob nito madalas hanggang labas lang sila ng mga kaibigan.

"Sweetheart baba na tayo." sabi ni Rod at hinawakan nito sa baywang si Ella binalingan nito si Dennis at Marie na nag-uusap.

"Si Marie lalapitan ko lang." mahinang sabi ni Ella kay Rod.

"Sa baba na." seryosong sabi ni Rod at pinalakad si Ella palabas ng van.

"Okay ka na." masuyong sabi ni Dennis kay Marie ng magising ito.

"Okay okay na ako." sagot ni Marie hindi niya namalayan nakatulog siya na yakap ni Dennis, pero gumaan kaagad ang pakiramdam niya na hindi niya alam kung paano nangyari. Kung dati nagkakalagnat siya ng dalawa hanggang tatlong araw ngayon oras lang ang binilang niya.

Napatingin si Marie at ng makitang nasa kuweba na sila, bigla nitong dinala ang bag at natabig pa nito si Dennis sa pagmamadaling makababa, akmang lalabas na ito ng van ng pigilan ito ni Dennis.

"Saan ka pupunta?' tanong ni Dennis, nagtataka siya at mukhang okay na nga si Marie, hyper na naman ito kumilos at tinabig pa talaga siya.

"Bitawan mo ako, kailangan makuha ko iyon bago mag alas-singko ng hapon." inis na sabi ni Marie.

"Anong kukunin mo?" kuryusidad na tanong ni Dennis.

"Wala ka na doon." sabi ni Marie at kinagat nito ang kamay ni Dennis na nakahawak sa kanya.

"Grabe ka hindi ka man lang nagpasalamat." galit na sigaw ni Dennis kay Marie.

"Okay ka na?" nagtatakang tanong ni Ella ng bumaba sa van si Marie at tumatakbong lumapit sa kanya dala nito ang bag na ipinagtaka niya.

"Hindi pa ba tayo aalis?" tanong ni Marie kay Rod.

"Mamaya may tao pa daw sa loob. Hindi puwede sabay-sabay per group lang ang puwede pumasok. At dahil tayo ang nahuling dumating, so tayo ang huling papasok." sagot ni Rod kay Marie.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon