(Just play the theme song for this chapter)
1st day Cheung Hotel
El Paradiso“Kuya.” tawag na Ella kay Steven.
Kabababa lang niya ng sasakyan ni Rod ng makita ang kapatid, kasunod nito ang tatlo pang sasakyan kung saan sakay naman sila Tiffany at Patty kasama ng mga nobyo nito, at si Marie na nakasakay sa sasakyan ni Dennis. Maraming tao sa entrance ng hotel na marahil dahil sa gagawing activities ng school.
“Kamusta ka?” tanong ni Steven sa kapatid tiningnan nito sila Ella naka jacket na ito na malamang kay Rod dahil malaki iyon sa kapatid.
“Kuya, okay lang ako.” sabi ni Ella at niyakap nito ng mahigpit ang kapatid. Akala niya hindi siya makakawala kanina kay Rod. Nagtaka siya ng magdesisyon itong ilagay na siya sa hotel.
Tiningnan ni Steven si Rod, nakasandal ito sa kotse at naninigarilyo. Nakita niya pa ang tatlo barkada nito na nasa gilid at naninigarilyo din nagtatawanan pa ang mga iyon kita mo na angat sa lahat ang apat na dumating na lalaki, sabayan pa na ang mga dalang sasakyan ng mga ito ay hindi basta-basta. Kaya dumami din ang tao sa entrance dahil sa apat na lalaki na pinagtitinginan.
“Tangna, ang aangas.” naiiling na sabi ni Eric.
“Babe, kamusta?” tanong ni Lance kararating lang niya dahil kinuha pa nito ang cellphone sa bag.
“Okay lang ako.” sabi ni Ella niyakap siya ni Lance at hinalikan si noo.
“Tangna, ulitin mo.” sigaw na sabi ni Rod kay Lance ng makita nitong halikan si Ella sa mukha nito.
“Pasok na tayo.” takot na sabi ni Ella kay Lance ng makitang nag-iiba na naman ng anyo si Rod. Pumasok na rin ang tatlong kaibigan sa loob ng hotel. Nakita niya pang lumapit si Nicole kay Rod at hinalikan ito.
“Huwag mo tingnan.” bulong ni Lance at hinarangan ng kamay nito ang mata niya papasok ng hotel.
………………..
“Saan kayo dinala ng dalawang iyon?” tanong ni Steven kay Marie at Ella ng bisitahin niya ang dalawa sa kuwarto ng mga ito sa hotel.
Pinagmasdan ni Steven ang kuwarto naka first class room ang kapatid at si Marie pero mukhang walang alam ang mga ito sa itsura ng ibang kuwarto ng hotel. Maganda ang kuwarto na inoukopa ng dalawang dalaga. Bukod sa tig-isang kama sila Marie at Ella, katumbas ang kuwarto ng mga ito, ng anim na ordinaryong kuwarto ng isang hotel. Samahan pa na may sariling ref maliit na sala. Kompleto sa gamit ang loob ng kuwarto.
Nakatingin lang sila Lance at Eric habang kinakausap niya ang dalawa na walang tigil sa pagkain ng icecream na nakuha ng mga ito sa ref. Mukhang sadyang puno talaga ang laman ng ref para sa dalawang babae sa harap niya.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomantizmAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...