"Aray! Ano ba bitiwan mo nga ako?" sabi ni Kat ng hilahin siya ni Dennis palayo sa grupo ng Valentine Dance Group."Hindi pa tapos ang isang buwan. Bakit may iba ka na naman?" galit na sabi Dennis.
"Ano bang sinasabi mo? Kinakausap ko lang si Daniel." inis na sabi ni Kat. Tinutukoy nito ay ang dance instructor ng dance group.
"So dancer ka na pala ngayon?" sarkastikong sabi ni Dennis.
"Ano ba bitawan mo nga ako." napipikong sabi ni Kat.
Dahil Biyernes ng araw na iyon, ang huling araw ng General Practice ng St. Valentine para sa mga manlalaro at kalahok sa tournament. Maraming pumunta para manood sa iba't ibang laro sa loob ng Academy.
"Hindi ka puwede sumama sa kanya, kasi hindi ka pa bayad sa akin." galit na sabi ni Dennis.
"Sandali hindi ko naman sinabing bayaran mo iyong lalaking na yon." inis na sabi ni Kat. Pilit nitong hinihila ang ang braso sa lalaki.
"Hindi puwede, dalawang milyon ang binayad ko para sa isang buwan mo." galit na sabi ni Dennis at hinila si Kat palayo sa bahaging iyon ng field.
"Saan mo ako dadalhin?" takot na sabi ni Kat. Sa lahat ng nakarelasyon niyang lalaki iba si Dennis. Kalahating buwan na sila pero wala pa rin itong ginagawa sa kanya. Mas lalo siyang nagtaka ng binibigyan siya nito ng allowance daily pero wala itong sinasabing gagawin niya.
"Sisingilin kita. Sayang naman ang binabayad ko sayo. Tapos na tayo maglaro. Ito na ang pang finale." nakangising sabi ni Dennis. Kailangan na niya makuha si Kat at alisin ito sa buhay niya para mapag-aralan na niyang kunin si Tifanny, na siyang susi sa sa kayamanan niya.
"Sandali. Bakit dito?" takot na sabi n Kat. Namumula na ang braso niya. Nakita niya pa sa gilid ng field sila Ramon at Rod na nagtatawanan habang nakatingin sa kanila.
"Bakit? Saan mo gusto sa five star hotel? Tapos with candle light dinner. Okay ka lang. Tingin mo may gagawa sayo na ganoong lalaki?" mapang-uyam na sabi ni Dennis.
Sinampal ng malakas ni Kat sa sinabing iyon. Pero hindi ito nag-patinag at hinila ang babae.
"Pre, dahan dahanin mo." sigaw ng tumatawang si Ramon.
"Rape itong gagawin mo." naiiyak na sabi ni Kat. Wala ng taong sa naturang bahaging iyon ng field. Bahaging lote na ang kasunod nun.
"Alam mong hindi rape ang mangyayari. Magugustuhan mo rin. At walang maniniwala sayo na rape ang mangyayari" nakangising sabi ni Dennis.
"Hayop ka. Bitiwan mo ako." nahihintakutang sabi ni Kat. Pero patuloy pa rin siyang hinila ni Dennis.
.......................
"Grabe naman dito bhes. Dito mo talaga naisipang pumunta. Bakit kaya hindi na lang tayo mag review sa loob ng room o kaya sa dorm na lang.?" naiinis na sabi ni Marie.
"Mas okay dito. Walang tao. Saka nakita ko iyong lugar na ito nang iwan ako dito nag-iisa nila Lance at Rod." nakangiting sabi ni Ella.
"Hindi ka ba natatakot mag-ikot ikot sa buong Academy." nagtatakang sabi ni Tifanny.
Papunta sila sa bahaging iyon ng field. May bakanteng lote roon pero ang kalahati noon ay may maliit na ilog na bumabaybay sa kahabaan ng probinsya. Nadiskubre ito ni Ella ng iwan siya nila Rod at Lance ng nag-away ang mga ito sa field.
"Hindi. Looban naman ito at sakop ito ng gate 2. Walang nakakapasok na outsider dito. Bukod pa diyan may bakod na ang paligid ng Academy." excited na sabi ni Ella.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...