"Bakit hindi mo sinabi na nawawala ang cellphone ni Ella. Pinahiram mo pa ang cellphone mo para lang mapaktakpan iyong pagkawala," asar na sabi ni Eric kay Marie.Linggo ng araw na iyon. Nalaman lang nila kaninang umaga ang nangyari kay Ella. Hindi pa sila pwedeng bumisita sa dalaga dahil ayaw pa makipag usap ng dalaga.
"Bakit ako na naman?" baling ni Marie kay Eric.
Nasa likod bahay sila ng binata. Dito sana sila muna magkikita nila Lance bago pumunta kala Ella. Ngunit hindi na ito natuloy dahil sa pagtawag ni Steven.
"Kung matagal niyo ng sinabi na nawawala iyon, sana may cellphone si Ella. At sana natawagan ka niya."angil nito ni Eric kay Marie.
"Hoy lalaki buti nga nawala iyong cellphone ni Ella at napunta kay Rod. Kung hindi malamang walang tumulong sa kanya,"pasigaw na sabi niya kay Eric habang nasa duyan ito at mabilis na dumuduyan dito.
"Kasama kita ng araw na iyon. Kung nasa kanya ang cellphone niya at nasa sayo naman ang cellphone mo malamang tawagan ka ni Ella bago pa man mag gabi."asar na sabi ni Eric
"Pwede ba Eric, ni hindi mo nga nasagot iyong tawag ni Ella mula sa number ko,"maasgad na sabi ni Marie
"Kasama nga kita noon, kaya hindi ko nasagot. Pero kung hawak mo ang cellphone mo malamang, nasundo natin siya bago pa mangyari iyon," inis na sabi ni Eric.
"So, sinisisi mo ako dahil ako ang kasama mo. Sinisisi mo ako kasi sinamahan mo ako. Sinisisi mo ako kasi nagkasakit ako at hindi mo nasagot iyong tawag ni Ella sayo.Eh lahat naman sinisisi mo sa akin basta regarding kay Ella." Naaasar na bulyaw ni Marie dito.
"Hindi kita sinisisi. Ang gusto ko ipaunawa sayo, ikaw lang naman ang pinaka adik sa cellphone, kung hawak mo sana iyong cellphone mo, sana may naitulong tayo" sabi nito sa dalaga na lalo pang pinapalakas ang pag duyan nito.
"Puro ka naman ganyan eh. Sana kasi hindi mo na lang ako sinamahan pauwi ng bahay. Saka huwag ka kasi pumunta kay lola para tumulong. Hindi ka naman apo noon," naka angil sa sabi ng dalaga. Hindi pa ito nasiyahan at kinabig pa nito palakas ang duyan na inuupuan.
"Paano ko hindi tutulungan ang lola mo. Hindi mo naman siya tinutulungan. Pag wala kang pasok nasa galaan ka naman." Nakangising sabi ni Eric.
"Huwag mo ako sermunan Eric. Lola ko nga hindi ako maganyan. Saka pwede pa, nag aaral naman akong mabuti. Matataas ang grades ko. Deserve ko kung ano ang ginagawa ko. Saka wag ka mag alala inaalagaan ko ang sarili ko. And hindi ko sinasama si Ella sa gala ko, na hindi tungkol sa school," nakalabing sabi ni Marie. Nakahawak ito sa duyan pero ang paa nito ay itinataas sa tuwing tataas din ang duyan.
"Dapat lang. Kawawa naman si lola. Mapakita mo man lang na matino pala ang apo niya," nang aasar na sabi niEric habang pinagmamasdan ang ginagawa ni Marie.
"Matino ako 'no. Grabe ka sa akin. Dapat kung gaano ka karespeto sa kapatid ng best friend mo dapat ganoon ka rin sa mapapangasawa ng best friend mo," nakasimangot na sabi ni Ella na hindi pa rin hinihinto ang pagduyan ng malakas. Hindi nito napansin ang pag ismid ni Eric sa sinabi niya.
'Itigil mo nga iyan kakaduyan na iyan. Baka mabinat ka sa ginagawa mo," naiinis na sabi ni Eric.
"Bakit ba. Lahat ng nakikita mo sa ginagawa ko mali,"nakasimangot na sabi nito na lalo pang binilisan ang pagduyan.
"Wala naman mali sayo. Tumino ka lang. Iyon lang naman," naiiritang sabi ni Eric.
"Excuse me pogi, matino ako." Natatawang sabi nito. Binalingan nito si Lance na kanina pa tahimik na nakaupo ito sa damuhan.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomantizmAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...