Kabanata 2

937 142 13
                                    

Naglalakad sila Steven at Ella sa St. Valentine Academy. Kinakabahan si Ella dahil 1st day of school, kaya hindi niya namalayan na sobra na pala ang pagkakahawak nito sa braso ng kuya niya.

"Ano ka ba bunso mababalian ako sayo."natatawang sabi ni Steven.

"Sorry kuya kinakabahan kasi ako." nguso ni Ella kay Steven

"Hayaan mo walang tigre at leon dito. Kumalma ka nga." Natatawang sabi ni Steven

Excited siya pumasok, pero hindi mapigilan ni Ella Mae ang kaba, madaming estudyante ngayon sa loob ng school 1st day kasi. Iyon ang pinaka ayaw niya nasusuffocate siya at kinakabahan siya pag maraming tao sa paligid. Kaya naman sobrang kapit niya sa braso ni Steven.

"Pare," sigaw na tawag ng kaibigan ni Steven, habang tumatakbo sa gawi nila.

"Uyyyyyy andito na mag aaral si baby Ella." Tudyo ni Eric. Nakipag appear ito sa kapatid niya, ito ang batian ng tropa ng kuya niya.

Eric Montemayor, 17yrs old, 5'7 ang height, basketball varsity player, scholar, "crush ng bayan" ang bansag dito.

Nakalapit na pala ito na hindi niya namamalayan, kaibigan ito ng kapatid niya. Kilala na siya nito dati pa dahil elementary days pa lang, mag-kaklase at magkatropa na sila Steven at Eric.

"Kuya Eric huwag ka maingay." Inis na sabi ni Ella

"Grabe ka naman makakapit sa kuya mo. Hindi naman mawawala iyan. Or hindi ka naman mawawala dito my dear Ella." Birong sabi ni Eric

"Hahahaha, wag mo na lokohin Eric baka masipa ka niyan." tumatawang sabi ni Steven

"Halika my dear Ella, sa akin ka na lang kumapit, dadalhin na kita sa classroom mo." Inagaw siya nito sa kapatid niya

"Sige Kuya Eric basta huwag mo ako iiwan hanggat hindi ako nakakaupo sa room ko." malambing na sabi ni Ella

"Oo naman, my dear Ella Mae." seryosong pahayag ni Eric.

Sana'y na si Ella sa tawag nito sa kanya, bata pa lang kasi ganoon na ang tawag nito sa kanya.

"Hay naku Eric ako na lang magdadala kay Ella at baka paiyakin mo na naman yan sa mga biro mo." Tumatawa pa ring sabi ni Steven

Mahilig biruin ni Eric si Ella, madalas din mapikon ang huli. Minsan nga napagkatuwaan ni Eric ito noong grade 4 pa lang si Ella.

"Ella ang kuya mo?" palinga linga pa si Eric habang nagtatanong.

"Nasa kwarto niya," balewalang sabi ni Ella.

Nang hindi makita ang hinahanap, pinuntahan siya nito sa sala habang nanonood siya ng tv.

".. may pasalubong pala ako sayo, paborito mong chocolate." Nakangiting sabi ni Eric sabay abot ng maliit na box, na inabot naman agad ni Ella

Bumisita si Eric sa bahay nila Steven dahil sa gagawin nilang group project ng kaibigan sa school. Nang maisipang nitong lokohin si Ella. Nagmamadali pa si Ella na buksan ang box ng maya maya ay mapasigaw ito.

"Kuyaaaaaa." umiiyak na sabi nito.

"Ano nangyari," halos takbuhin ni Steven ang hagdan masama itong tumingin kay Eric na ngumingiti sa kanya.

"Kuya may frog dun sa box ni kuya eric. Sabi niya chocolate." umiiyak na sumbong nito kay Steven

"tol, joke lang iyon."natatawang sabi ni Eric

"Langya ka tol, wag ka naman magbiro ng ganoon. Lagot ako nito kay papa. Hirap pa naman patahanin niyan." problemadong sabi ni Steven kay Eric

Isang oras din bago si Ella tumigil sa pag iyak ng amuin siya ng dalawa. Lumabas pa si Eric at binilhan siya ng Toblerone sa 7 eleven. Doon din nagsimula ang tawag nito sa kanya 'my dear ella'.

Nasa 2nd floor ang room nila Ella pero bago pa man sila makaakyat may lumapit na sa kanila.

"Hello po, grade 7 rin po siya. Pwede sabay na lang kami. Bago lang din po ako dito," masuyong sabi ng batang babae na lumapit sa kanila.

"Ako nga po pala si Marie, ng room 201. Ikaw anong room mo." Nakangiting sabi nito kay Ella

Marie Suarez, 12yrs old, grade 7 student, Morena, maliit sa edad nitong 12, madaldal, bilugan ang mukha nito na may mapupungay na mga mata, kung susuriin mukhang may lahi itong arabo, scholar, isa sa editor ng St Valentine magazine.

"Oh may kasama ka na bunso, Marie siya si Ella. Ako naman si Steven kuya niya at ito naman si Eric, kaibigan namin. Ok lang ba, sama kayo ni Ella? Wala pa kasi siya kakilala." Nakangiting sabi ni Steven

"Ah ok lang po mga kuya. wala pa rin ako kakilala. Napansin ko kasi si Ella kanina kasama niyo matatanda, so naisip ko bago lang din po siya." Paliwanag ni Marie

"Grabe ka naman makatanda sa amin." Nakasimangot na sabi ni Eric

"Hoy, tol bata yan." Natatawang baling na sabi ni Steven kay Eric.

"Matanda ka naman po talaga, tangkad mo pa kaya." Nginusuan nito si Eric.

Ikinatawa ni Steven at ikinanuot ng kilay ni Eric ang sinabi ni Marie.

"Sige bunso sama ka na kay Marie, wait mo si kuya mamaya. Sabay tayo umuwi." Sabi ni Steven sa kapatid

"Sige kuya Steven, mamaya ha. Sama mo na nga si Kuya Eric wala na yata sa mood. Babay kuya." malambing na sabi ni Ella

Nasa malayo na ang dalawa ng balingan niya si Marie at pumasok sila sa loob ng classroom.

Tipikal na 1st day of class, maingay, magulo, may mga magkakabarkada na at iyong iba ay nangangapa sa mga kasama.

"Dito tayo umupo Ella Mae." Turo ni Marie sa bandang gitna ng huling row ng classroom .

"Sige, maingay pag nasa bandang gitna tayo o kaya sa unahan." Pag sang ayon ni Ella

Nag pakilala sila sa isat isa habang wala pang teacher. Si Marie Suarez, nag iisang anak. Tulad ni Ella honor student din ito at nalaman niya naka avail rin ito ng scholarship ng sumali ito sa school paper. Kaya naman tuwang tuwa sila pareho. Di tulad niya wala ng magulang si Marie, lola lang nito ang nagpapalaki at nagpapaaral sa kanya kaya pursigido rin ito sa pag aaral.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon