(Just play the theme song for this chapter)
“Lance?.” tawag ni Ella kay Lance nasa Art Room sila ng hapon na iyon.“Bakit?” masuyong sabi ni Lance.
“Sorry, kanina sa canteen. Hindi ko sinasadya sabihin, na tayo na.” nagsisising sabi ni Ella.
“Ouch.” natatawang sabi ni Lance.
“Lance.” sabi ni Ella lumapit ito sa binata na nagpipinta.
“Sorry, alam mo naman na nahihirapan ako mag-move on kay Rod. Siguro dahil siya iyong first boyfriend ko.” sabi ni Ella habang nakatayo malapit kay Lance.
“Babe, puwede naman natin
totohanin. Habang naghihintay ako na malimutan mo siya, willing naman ako maghintay.” seryosong sabi ni Ella.“Napaka- unfair naman sayo nun. Parang ang selfish ko naman, mahal ko pa si Rod pero magiging tayo na.” nalilitong sabi ni Ella.
“Ganito na lang. Puwede mo naman akong maging boy friend. Tayo na pero kaibigan mo lang ako.” seryosong sabi ni Lance. Hindi niya hahayaan na bawiin ni Ella ang sinabi nito sa canteen, iniisip ni Lance ito na ang pagkakataon para sa pagsisimula nila ni Ella.
“Lance, hindi ko alam sasabihin ko. Pero salamat kasi tinutulungan mo rin ako para makalimutan si Rod.” malungkot na sabi ni Ella. Nalilito siya mga nangyayari ayaw niyang masaktan si Lance at gawing panakip butas ito, pero parang iyon ang nangyayari.
“Mamahalin mo uli ako. Maghihintay ako kahit ilang taon pa.” nakangiting sabi ni Lance hinawakan nito si Ella at niyakap.
“Hindi ko alam kung maibibigay ko iyong pagmamahal na gusto mo. Kaibigan lang kasi ang nararamdaman ko sayo ngayon. Ang sigurado ko lang mahalaga ka sa akin.” sabi ni Ella. Ayaw niyang bigyan ng pag-asa si Lance at masaktan ito sa huli.
“Friends can be lovers. Tutulungan kita malimutan si Rod, kahit sa anong paraan. At kung inaakala mong galit ako dahil nasabi mo sa mga kaibigan mo, na tayo na kahit hindi naman. Hindi ako galit mas natuwa pa nga ako.” nakangiting sabi ni Lance. Alam niyang mahihirapan si Ella malimutan si Rod pero mas mapapadali niya ang pagtulong dito kung maging nobya niya kaagad si Ella.
“Okay lang sayo. Magpapanggap lang tayo na may relasyon?” nag-aalangan na sabi ni Ella. Hindi niya lubos maisip na papayag si Lance sa magiging sitwasyon nila.
“Okay lang, saka malay mo ma-inlove ka uli sa akin.” nakangiting sabi ni Lance. Mas okay ng sa kanya mapunta si Ella kaysa kay Dennis na may balak din ligawan ang dalaga.
“Lance, pakiramdam ko ang sama ko sayo. Pakiramdam ko ang harot ko naman. Nakakahiya sa mga nakakakilala sa atin. Tama si Ramon kakaalis lang ni Rod pero pinalitan ko na siya” malungkot na sabi ni Ella.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...