“Oh anong nangyari parang may humahabol sa inyong dalawa?” nagtatakang tanong ni Patty sa hinihingal na dalawang kaibigan.“Itong si Marie may ginawang kalokohan.” hinihingal pang sabi ni Ella. Na kumuha ng panyo sa bag para ipunas sa pawis nito.
“Aakalain ko bang dalawa silang iinom noon.” nagugulumihang sabi ni Marie na kinuha ang bottled mineral water ni Patty na hawak at uminom dito, na ikinanoot ng dalaga.
“Ayos ka ha makakuha parang alalay lang ha.” sabi ni Patty na hinatak ang bote na kinuha ni Marie.
“Napagod ako doon, akin na lang iyang tubig mo, ibibili na lang kita.” humihingal na sabi ni Marie at hinablot uli ang tubig ni Patty at tinungga ito.
“Ano bang kalokohan ginawa mo?” kuryusidad na tanong ni Patty na hinawakan pa si Marie at pinagpag ang likod dahil naubo sa inubos nitong tubig.
“Iyang babaeng iyan, pinainom ng gayuma si Kuya Steven, tapos naka-inom din si Kuya Eric.” nanlalaking matang sabi ni Ella.
“Saan mo nakuha iyon gayuma?” nakangising sabi ni Patty. Hinawakan pa nito si Marie sa balikat at hinarap sa kanya.
“Bakit gusto mo? May tira pa ako sa bahay. Sa bayan ko binili, sa manghuhula.” pilyang pagtatapat ni Marie.
“Hoy kayong dalawa sino naman susunod niyong paiinumin?”saway na sabi ni Ella, kinuha nito ang panyong hawak at pinunasan ang noo ni Marie.
Tiningnan ni Marie si Ella may napansin ito sa hawak ng dalaga na ipinangpunas sa noo niya.
“Sandali Ella maiba tayo. Hindi mo ito panyo ha?” nakakunot na sabi ni Marie at hinawakan nito ang kamay ni Ella na may hawak na panyo.
Nalipat ang atensyon ng tatlo sa ginawa ni Marie
Nagulat si Ella sa tanong ni Marie. Hindi niya inakalang tsismosa talaga ang kaibigan ultimo gamit niya kabisado nito.
“Ipinahiram lang ito sa akin.” walang emosyong sabi ni Ella, ayaw niyang magtanong pa si Marie.
Inagaw ni Marie ang panyo ni Ella. At binasa ang tatak ng panyo. Isa iyong Turnbull and Asser na nagkakahalagang mahigit tatlong libong piso, inamoy din ng dalaga ang naturang tela.
“Sino nagpahiram sayo?”usisang tanong ni Marie. Hindi iyon mumurahing panyo at ang bangong nagmumula doon ay halatang mamahalin din.
“Bakit kailangan malaman? Napulot ko iyan sa kalsada tapos nilabhan ko, nilagyan ko ng downy perfume, sinampay, pinatuyo sa araw. Kaya hayan…. Ang ganda di ba. Mabango pa.” sunod -sunod at nakangiting sabi ni Ella.
“Sandali ha.”paalam na sabi ni Marie na ipinagtaka nila Ella at Patty.
Sa hindi kalayuan natanaw ni Marie si Tiffany habang sinusundan ito ni Ramon.
“Buti napadpad ka dito.” sabi ni Marie .
“Hinahabol kasi ako niyan, kanina pa sumusunod.”sabi ni Tiffany na itinuro si Ramon sa likuran nito.
“Oo nga, buti kasama mo siya.”sabi ni Marie at nilapitan si Ramon na lalong ipinagtaka ng tatlong kaibigan.
Nagtaka si Ramon sa paglapit ni Marie. Hindi pa ito huminto at may kinapa ito sa may likuran niya.
“Ano ka bang babae ka?”galit na sabi ni Ramon kay Marie ng mahawakan nito ang bandang puwetan niya. Pero tiningnan lang siya ng masama ni Marie.
“May hinahanap ako at sayo ko iyon madalas makita.”sabi ni Marie na tuloy ang pagkapa sa likod ni Ramon, na ikinangiti ng binata.
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomanceAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...