(Just play the theme song for this chapter)
"Bhes, nakita mo ba iyong announcement sa bulletin board sa baba kanina?" tanong ni Marie, nasa classroom sila at hinihintay ang susunod na teacher.
"Hindi, ano bang nakalagay?" tanong ni Ella.
"One week vacation sa El Paradiso." nakangiting sabi ni Marie.
"So? As if naman afford natin makasama doon." balewalang sabi ni Ella.
"Hindi naman natin kailangan magbayad." nakangiting sabi ni Marie.
"Bakit? May manlilibre ba sayo?" naka-ismid na sabi ni Ella.
"Kasi bhes, free na iyong mga nanalo sa tournament." nakangiting sabi ni Marie.
"Talaga?" singit na tanong ni Patty ng marinig ang dalawang kaibigang nag-uusap, matagal na niyang pangarap pumunta sa islang iyon.
"Wow, himala curious ka?" birong sabi ni Marie kay Patty.
"Yup, alam niyo bang magandang isla iyon. Sabi nila pag unang tapak mo daw sa islang iyon mag wish ka at matutupad. At naroroon lang naman ang bundok na tinatawag na El Destino mountain, at pag nasa tuktok ka na daw. Masisilayan mo ang ganda ng El Paradiso. Kung sino daw ang lalaki o babae makakasama mo sa tuktok nun, iyon ang makakatuluyan mo sa future." nakangiting sabi ni Patty.
"Wheee hindi nga" sabay na sabi ni Ella at Marie.
"Malay niyo totoo. Kasi sa iba nagkakatotoo. Mag search kasi kayo sa internet, hindi puro porn iyong binabasa niyo." nakangising sabi ni Patty.
'Grabe siya oh." sabi ni Marie.
"Eh paano kung hindi si LJ ang makasama mo sa tuktok, Patty? Ano kaya ang gagawin mo? Or paano kung ibang tao, iyong hindi mo inaasahan na tao ang makakasama mo makarating sa tuktok?" pilyang sabi ni Ella.
"Ibabalik ko sayo ang tanong tutal sa atin ikaw ang mas maraming umaaligid, paano kung hindi si Rod ang makasama mo? Paano kung si Lance? O kaya si Kian?" nakangiting tanong nito kay Ella na ikinatahimik ni Ella.
"Bhes pagkakataon ko na. Yayayain ko si Steven sa tuktok nun. Malay mo totoo.." nakangiting sabi ni Marie.
"Sus, sabi-sabi lang iyan." balewalang sabi ni Ella, pero sa loob-loob nito paano nga kung totoo?
"Sama tayo. Libre naman tayo, wala na tayong problema. Isang linggong bakasyon daig pa ang field trip nun. Iba talaga dito sa St. Valentine." excited na sabi ni Marie.
"As if naman sasama sila Kuya. Alam mo naman hindi ako papayagan nun pag hindi siya kasama." sabi ni Ella.
"Graduating sila Steven at Eric hindi sila puwede umayaw, sa mga activities ng Academy. Kasi isa iyon sa requirements para maka-graduate sila." sabi ni Marie
BINABASA MO ANG
Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)
RomansaAng pagmamahalang pilit na iniiwasan, pero sadyang pinagtatagpo ng tadhana. Nilalaro ang pag ibig, pero ngayon sila na ang paglalaruan ng pag ibig Mga kabataang makikipaglaro sa buhay at sa pag-ibig... Mga kabataang susuungin ang henerasyong puno n...