Kabanata 55 Rico vs Rod's Madness

327 21 2
                                    


"Damn."galit na sabi ni Rod umuwi siya sa mansyon ng Cheung at hindi na pumasok ng araw na iyon kahit ang pag eensayo sa football ay hindi na niya ginawang puntahan....

Tinadyakan nito lahat ng madadaanan. Hindi pa ito nakunteto kumuha ito ng matigas na kahoy at pinagpapalo ang kotse niyang binunggo kala Eric. Halos basag na lahat ng salamin ng mamahaling sasakyan hindi pa ito nakuntento umakyat ito sa sasakyan at pinagpapalo ang bubong nito.

Nang hindi pa rin nawawala ang nararamdamang galit bumaba ito at pinuntahan ang motor, akmang papaluin at wawasakin niya ang motor ng mag salita si Rico. Na hindi napansin ni Rod na nasa likuran na niya dahil sa matinding galit.

"Sige wasakin mo lahat. Magtapon ka ng pera habang ako nagpapakahirap kung paano patatakbuhin ang lahat ng negosyo natin. Kulang pa ba iyang milyong dolyar na halaga ng sasakyang winasak mo. Baka gusto mo sunugin mo na rin itong mansion."sarkastikong sabi ni Rico kay Rod.

Nakita niya itong ganito, noong araw ng nabunggo nito ang sasakyan, bumalik at umalis muli ito. Umuwi ng parang nahimasmasan at hindi alam ni Rico kung paano ito napahinto sa pagwawala. Pero ngayon ganito na naman ang inaasal ng kakambal.

Hindi itinuloy ni Rod ang paghampas at pagsira sa motor. Binalikan nito ang wasak na sasakyan at doon ibinaling ang lahat ng galit. Halos hindi na mapapakinabangan iyon sa tindi ng pagkakapalo ng binata, kung tao lamang iyon patay kaagad iyon.

"Hindi ko alam kung bakit ka nagkakaganyan. Pero malakas ang kutob ko ng dahil sa babae. Hindi naman kasi puwedeng magkaganyan ka dahil bumagsak ka sa exam mo. Na kahit kailan wala ka naman pakialam." sabi ni Rico.

"Leave me alone."galit na sabi ni Rod kay Rico.

"Hindi kita iiwan, tingnan mo iyong sarili mo. Hindi ko hahayaan na ang mukhang iyan ay parang gago na nagwawala at naninira ng milyong halaga na mga gamit. Kung tao lang iyang kotse na iyan malamang patay na sa ginawa mo."galit na sabi ni Rico.

Hindi makapaniwala si Rico na ang Lamborghini veneno na nagkakahalaga ng 4.5 million dollars na sasakyan ay wawasakin lang ng kamukha niya. Napapangiwi nga siya tuwing hinahampas ito ni Rod, hindi niya kayang gawin na wasakin ang naturang sasakyan na ngayon ay nakikita niyang ginagawa ng kaharap at kamukha pa niya.

"Isa na lang."galit na sabi ni Rod

Napatingin si Rico sa kakambal nakakunot ang noong sinundan niya ito ng tingin. Alam niyang may gagawin pa itong kalokohan.

Umalis si Rod at muling bumalik na may dala itong isang gallon na gas itinapon ito sa sasakyan at ng akmang sisindihan ng lighter ng bigla itong sinuntok ni Rico.

"Son of a bitch. Ano sa akala mo ang gagawin mo?"galit na sabi ni Rico sa nakahandusay na kakambal.

Hindi lubos maisip ni Rico na parang sinuntok niya ang mukha niya. Pero kahit kailan hindi niya magagawa ang mga bagay na iniisip at ginagawa ni Rod.

Mukha naman nahimasmasan sa suntok si Rod. Hinagis nito ang lighter at tumingin kay Rico. Naramdaman ni Rod na pumutok ang labi niya sa suntok na iyon ni Rico dahilan para dumugo iyon.

"Matigas ang ulo niya. Sabi ko huwag siyang didikit sa iba. Mapapatay ko iyong lalaking buntot ng buntot sa kanya." nagpupuyos sa galit na saad ni Rod. Humiga ito sa semento at tumingin sa langit.

Pinagmamasdan ni Rico si Rod alam niyang bata pa ito mag isip kumpara sa kanya. Hinayaan niya nga lang ito, ng tumanggi ang kakambal sa dady nila na maghahati sila sa pag aaral at pamamahala sa mga kompanya ng mga Cheung.

Pinauwi ito ng Pilipinas ng matandang Cheung dahil wala itong ginawa sa America kundi maglakwatsa, mambabae at maglustay ng pera. Ang momy lang nila ang nakakasaway dito.

Not Just an Ordinary Love : 1st Gen (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon